Unang Pinoy Mural, Pasisinayaan sa Philadelphia

EXCITED NA ang Filipino community sa Philadelphia para buksan ang mural bilang pagbibigay-pugay sa mga bayaning nagbuwis ng buhay para sa ating kalayaan.

Isang 22-foot mural na tinaguriang “Alab ng Puso” ang ilaladlad ng mga Pinoy sa kahabaan ng Bustleton Avenue kung saan makikita ang mga Filipino businesses.

Ang naturang artwork ay kauna-unahang outdoor Pinoy mural sa East Coast at kauna-unahang Filipino landmark sa nasabing lugar.

Nilikha ang nabanggit na mural sa pangunguna ng Filipino American Association of Philadelphia, Inc. (FAAPI) katuwang ang City of Philadelphia Mural Arts Program (MAP) kung saan paggunita na rin ito sa 100 taong pananatili ng mga Pinoy sa Greater Philadelphia at mahigit 425 taong paninirahan ng mga Pilipino sa Amerika.

Samantala, ang nasabing obra ay likha ng mural artist na si Eliseo Art Silva na kilala sa Estados Unidos dahil dalawang beses na itong na-feature sa Smithsonian Institution.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.