Unang nagsumite ng gastos sa eleksiyon: ENRILE, P143-M ANG INILABAS

IPINAKITA NI SENATE President Juan Ponce Enrile ang kanyang statement of expenses and contributions report noong panahon ng kampanya.

Gumastos si Enrile ng P143 milyon noong panahon ng kampanyahan batay na rin sa dokumento na isinumite nito sa Commission on Elections, noong Hunyo 3.

Inamin ng Mambabatas na gumastos siya ng P143,084,448 sa pangangampanya niya – P137, 188,666 sa political advertisement at P5,895,782 naman sa printed campaign materials.

Sinabi pa ni Enrile, bayad umano ng maraming contributors ang P142 milyon na ginamit niya sa pangangampanya habang ang P1,084,443 milyon lang ang nanggaling sa kanya.

Inihayag din ni Enrile na maging ang kanyang anak na babae ay nagbigay sa kanya ng P8.5 milyon habang ang kanyang apong si Juan Rodrigo Ponce Enrile ay nag-donate naman ng P1.5 milyon.

Nakalagay rin sa dokumento na ang Jaka Group of Companies at mga affiliates nito ay nag-contribute ng P74,216,000 milyon.

Si Enrile ang kauna-unahang kandidato sa pagka-senador na nagsumite ng kanyang gastusin o statement of expenses at contributions. (Cynthia Virtudazo)

Pinoy Parazzi News Service

loading...

3 thoughts on “Unang nagsumite ng gastos sa eleksiyon: ENRILE, P143-M ANG INILABAS

  1. WOW ENRILE, ANG YAYAMAN NG MGA ANAK, APO, AT MGA CONTRIBUTORS MO!!! PAAANO ANG BAYARAN NITO? HULUGAN? PWESTO SA GOBYERNO? KALULUWA MO?

    IKAW ENRILE, ISA KA SA PINAKA BALIMBING, TAKSIL, AT CORRUPT NA PULITIKO SA BANSA. BUONG KATAWAN MO PATI NA KALULUWA MO TINUTUPOK NA NI SATANAS SA IMPYERNO. KAYA HWAG KA NG MAGING TRANSPARENT DAHIL PURO KASINUNGALINGAN DIN LANG NAMAN ANG SASABIHIN MO.

    HINDI KO LANG ALAM ANG DEVELOPMENT SA SAN JOSE TIMBER CORP. MO KUNG NA LIFT NA ANG MORATORIUM DAHIL 16 YEARS NA AT MALALAKI NA NAMAN ANG MGA PUNONGKAHOY SA SAMAR NA PINANOT MO NOON KAYA BINABALIKAN MO NA NAMAN. DI BALE NANG MAGLANDSLIDE AT MAMATAY ANG MGA TAO SA SAMAR MAKUHA MO LANG ANG GUSTO MO. DIABLO KA. ANG TAGAL MONG MAMATAY!

Leave a Reply

Your email address will not be published.