Unang movie ni Xian Lim sa Viva, leading man agad ni Sarah Geronimo sa Miss Granny

XIAN LIM

NASUSYUTING NA si Xian Lim ng kauna-unahang movie niya sa Viva titled Miss Granny pagkatapos niyang pumirma ng five-year contract sa kompanya last week.

Sa post ni Xian sa kanyang Instagram at Twitter account ay ipinagmalaki ni Xian ang first shooting day niya kasama si Sarah Geronimo na bida sa Miss Granny.

Ani Xian, “Nakakatuwa na I was given an opportunity to work with Sarah and James in their upcoming movie and  I’m very excited kasi even before, a couple of years back pag tinatanong ako kung sinong gusto kong makatrabaho, lagi kong sinasabi, I want to work with Sarah.

“Dati nakikita ko lang sila… I mean, nakakasalubong ko lang sila sa ABS-CBN pero ngayon may chance na ako to work with them,” masayang kuwento ng aktor.

Samantala, sa kanyang Twitter account ay pinasalamatan ni Xian ang handler niya at ang kanyang Star Magic family.

“I just want to say thank you to my Star Magic family for an 8 year long journey.  From the bottom of my heart nagpapasalamat po ako. There will never be any goodbyes, just see you around,” post pa niya.

Pinasalamatan din niya ang Viva sa pagwe-welcome sa kanya.

“I’m very grateful na nabigyan ako ng opportunity ni Boss Vic to be part of their family. This is  gonna be an exciting year,” masaya niyang pahayag.

 

La Boka
by Leo Bukas

loading...

One thought on “Unang movie ni Xian Lim sa Viva, leading man agad ni Sarah Geronimo sa Miss Granny

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.