Unang Bading na Konsehal sa Tacloban, Magtatatag ng Gay Organizations

HANDA NANG magtatag ng iba’t ibang gay organization sa Tacloban City si Jose Mari “Jom” Bagulaya, ang kauna-unahang “cross dresser” councilor-elect ngnasabing lungsod

Sinabi ni Bagulaya na layunin umano ng mga gay organization ang makilala sa bansa ang kakayahan at galing ng mga third sex sa iba’t ibang larangan at mga socio-civic activities.

Hindi na rin umano bago kay Bagulaya ang pagsilbi sa mga tao lalo pa’t isang gobernadora ang kanyang ina na si Leyte Gov. Mimmiete Bagulaya.

Noong isang araw ay pormal na iprinoklama ng City Commission on Elections (Comelec) si Bagulaya bilang konsehal ng lungsod matapos na maging ika-pito sa mga nanalong konsehal na nakuha ng mahigit 30,000 na boto sa naganap na botohan nitong Mayo 13.

Una nito, noong nakaraang eleksyon ay hindi pinalad si Bagulaya na manalo sa pagka-konsehal matapos itong mapunta sa ika-11 posisyon.

Ikinalungkot naman ng nasabing kandidato ang pagkatalo ng kanilang mayoralty bet na si An Waray Party-list Rep. Bem Noel laban kay Mayor Alfred Romualdez.

   (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.