UN, Pinagpapaliwanag ng DSWD sa Aid Scandal

INIHAHANDA NG Departement of Social Welfare and Developmnet (DSWD) ang sulat na ibibigay sa United Nations (UN) para humingi ng paliwanag hinggil sa ulat na wala pa ring natatanggap na mga relief goods ang ilang biktima ng super typhoon Yolanda, partikular ang nasa remote areas.

Sinabi ni DSWD Secretary Dinky Soliman na nais malaman ng gobyerno kung ano ang nagiging batayan ng UN sa kanilang obserbasyon upang maitama ang maling sistema na nagaganap sa lugar na hinagupit ng bagyo lalo na sa sinasabing aid scandal.

Inihayag ni Soliman na halos naipamigay na rin nila ang mga relief supplies sa mga apektadong bayan mula sa mga itinayong hub ng DSWD sa Tacloban City, Ormoc City at Catbalogan.

Nanindigan ang kalihim na sa kasalukuyan nasa walo hanggang siyam na round na ang pamimigay ng mga relief goods na ginagawa nila sa mga barangay na apektado.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.