UN Peacekeepers sa Golan Heights, Inalis na

INALIS NA ng United Nations (UN) ang peacekeeper units nito sa Golan Heights ceasefire zone, kasunod nang pagkakadukot sa apat na kasapi ng Philippine troops.

Ayon kay UN spokesperson Martin Nesirky, ang naturang hakbang ay para na rin sa kaligtasan ng mga peacekeeper.

Una na ring nanawagan ang pamahalaang Pilipinas sa UN Security Council na gawin nito ang lahat para sa agarang paglaya ng mga kababayan.

Patuloy rin umano ang ginagawang negosasyon ng United Nations para mapalaya ang apat na mga Filipino UN peacekeeper.

Sinabi ni UN peacekeeping spokeswoman Josephine Guerrero na ginagawa na nila anglahat para matiyak ang kaligtasan ng mga bihag at mapabilis ang kanilang paglaya ng mga ito.

Una nang kinondena ni UN Secretary-General Ban Ki-moon ang naturang pagbihag.

Base sa ulat, nagpapatrolya ang apat na Pinoy sa Al Jamlah na nasa “ceasefire zone” nang atakihin sila ng armadong grupo.

Samantala, inamin naman ng Syrian rebel na Yarmouk Martyrs Brigade sa kanilang Facebook page sa pamamagitan ng isang larawan na nasa kustodiya nila ang mga Pinoy na may suot pang U.N. flak jackets na may markang “Philippines”.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.