UN, Maglulunsad ng Major Aid Appeal Para sa ‘Pinas

MAGLULUNSAD NG major aid appeal ang United Nations (UN) para sa Pilipinas matapos pagdaanan ang hagupit ng bagyong Yolanda.

Dumating kahapon si UN Humanitarian Chief Valerie Amos para pangunahan ang “flash appeal” na target makalikom ng milyong dolyar para sa mga biktima ng kalamidad.

Kasabay ng anunsyong ito ang atas ng Pentagon na dumiretso ang aircraft carrier sa bansa mula sa port visit sa Hong Kong para makiisa sa relief at recovery operations.

Bago ang “flash appeal”, una nang ikinatuwa ni UN Secretary General Ban Ki-moon ang mga tulong para sa Pilipinas pero inihayag na kailangang mapalaki pa ito lalo’t matindi ang pinsala ng super typhoon.

Pinakamatinding tinamaan ng nasabing bagyo ang Leyte at Samar kung saan mahigit 1,000 na ang namatay, bukod pa sa mga bahay at establisyimento na nawasak.

Samantala, nagpaabot na rin ng tulong ang Vatican at kabuuang 22 bansa sa Pilipinas.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.