UN-AFFORDABLE JANET?!

NABUHAY ANG DUGO ng mga Pinoy fans sa muling pagdating sa bansa ng Grammy award-winning

female artist na si Janet Jackson para sa kanyang one-night concert na ginanap sa PICC, Plenary

hall sa CCP Complex noong February 4.

Ayon sa magaling na foreign singer, 17 or 18 years ang huli niyang pagbisita sa bansa, kaya masayangmasaya siya at umaasang mag-e-enjoy ang kanyang mga tagahanga. Ang Manila ang fi rst stop ng Asian concert tour ni Janet na tinawag na Number Ones, Up Close and Personal. Hindi katulad ng iba niyang concert, puro hit songs ang ginawa ni Janet. Napanood din ang ‘Janet Jackson Move’ na kanyang pinasikat.

Napansin lang ng inyong lingkod na nakalulula ang presyo ng tiket sa nasabing concert dahil P15,500 lang naman ang pinakamahal at P3,100 ang pinakamura. Haler? Mura na ba ‘yun? Para sa iba nating kababayan eh, mabigat pa rin sa bulsa at un-affordable talaga! Hmmm… kaya nagrereklamo ang mga Pinoy artist natin… tsk, tsk!

Ano naman kaya ang masasabi ni Janet sa naging aksyon ng PETA o (People for the Ethical Treatment of

Animals) laban sa kanya? Matatandaang nagsagawa ang nasabing grupo ng kilos protesta sa harap ng PICC dahil sa pagsusuot niya ng fur coat para sa isang print ad noong 2010. Samantala, narito ang ilang mga celebrity na naka-AFFORD na manood ng concert. Iba talaga kapag madatung, ha-ha! Chos!

Photos by Luz Candaba, Mark Atienza and Ricky Agapito

By MK Caguingin

Premiere Shots
Pinoy Parazzi News Service

loading...

One thought on “UN-AFFORDABLE JANET?!

Leave a Reply

Your email address will not be published.