Umuwing lasing, sinilaban ni misis

NASA MALUBHANG kalagayan ang isang mister makaraang sabuyan gasolina at silaban ng kanyang misis sa lalawigan ng Davao del Sur.

Sa ulat na nakarating sa Camp Crame, kinilala ang biktima na si Canor Ojamula, 50-anyos, tricycle driver at residente ng New Argao, Malita.

Napag-alamang umuusok sa galit ang misis ni Ojamuls dahil lasing at pa-sado alas-1 na nang mada-ling-araw nang umuwi ang kanyang mister.

Naging mainitan din ang sagutan ng mag-asawa.

Nang maupo na si Canor at nagsigarilyo, rito na bigla siyang sinabuyan ng gasolina at pagkatapos ay sinindihan ng kanyang may bahay.

Nagliyab na sumisigaw ng “tulong-tulong” ang mister na tumakbo hanggang sa tumalon malapit sa fishpond.

Ni-rescue naman ng mga kapit-bahay at dinala sa Southern Philippines Medical Center (SPMC) sa Lungsod ng Davao ang biktima.

Nagtamo ang mister ng second degree burn at pa-tuloy na ginagamot sa burn center ng nasabing bahay pagamutan.       (E.CALMA)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.