Umento sa combat pay, inanunsyo ni P-Noy sa anibersaryo ng AFP

KARAGDAGANG P260 SA combat pay ang good news ni Pangulong Benigno Simeon C. Aquino III sa pagdiriwang ng ika-75 anibersaryo ng Armed Forces of the Philippines (AFP) kahapon.

Ang umento ay epektibo sa Enero 2011 ng susunod na taon, kabuuang P500 na ang matatanggap na combat pay ng mga miyembro ng Armed Forces of the Philippines (AFP).

Si P-Noy bilang commander-in-chief ng AFP ang siyang panauhing pandangal, kung saan sinabi nitong kabuuang P500 na ang combat pay ng mga sundalo mula sa dating P250.

Aniya, ang dagdag-benipisyo ay bilang bahagi ng commitment ng kanyang administrasyon na mapaangat pa ang kabuhayan ng mga kawal.

“Alam nating hindi kailanman masusuklian ng halaga ang inyong araw-araw na pagharap sa sakuna. Kaya naman, pinipilit ng inyong pamahalaan na makabawi sa inyong sakripisyo,” ayon sa talumpati ng Pangulong Aquino.

Ang pagdiriwang ay sinimulan ng isang grand parade ng mga sundalo at “fly-by” ng may 30 aircraft ng Philippine Air Force.

Ang AFP ay itinatag noong Dec. 21, 1935 sa ilalim ng Commonwealth Government at sa bisa ng National Defense Act.

Ito ay may tatlong pangunahing sangay na kinabibilangan ng Philippine Army, Philippine Air Force at Philippine Navy.

Sa datos, mahigit 130,000 na ang miyembro ng sandatahang lakas ng bansa.

(EUNICE CALMA)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.