Umento ang ibibigay, ‘di 14th month pay

NANINIWALA ANG mga Obispo ng Simbahang Katoliko na sa halip na dagdag benepisyo, gaya ng ipinapanukalang 14th month pay, ay dapat na tamang pasahod ang ibigay ng pamahalaan sa mga manggagawa.

Sinabi ni Caloocan Bishop Emeritus Deogracias Iñiguez na ang dapat na pag-aralan ng pamahalaan ay ang pagbibigay ng tamang pasahod sa mga manggagawa.

Ito rin ang naging pananaw ni Jaro, Iloilo Archbishop Angel Lagdameo.

Sa panig naman ni Sorsogon Bishop Arturo Bastes, iginiit niya na ang dagdag pasahod ang dapat na ibigay sa mga manggagawa.

Samantala, maaalala na ipinanukala ni Senador Vicente “Tito” Sotto III ang pagbibigay ng 14th month pay sa lahat ng kawani sa bansa kada taon.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

 

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.