Umbra Kato, kinumpirmang buhay

KINUMPIRMA NG MGA attending physician ni Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) Chairman Ustadz Ameril Umbra Kato na walang katotohanan ang lumabas na report na binawian na ito ng buhay.

Kaugnay nito, apat na mga doktor na siyang gumagamot kay Kato na isang Canadian-American Patologist, Arabo na Nutritionist at dalawang Pinoy na Internist at maging ng apat na nurses ang nagpahayag na walang katotohanan ang naiulat na report.

Nawalan lamang umano ng malay si Kato dahil sa stress at asthma at hindi umano dahilan ang sinasabing stroke, ayon naman kay Dr. Abu Hisbillah.

Sinasabing nasa eksklusibong pagamutan lamang nagpapagamot si Kato na hindi umano sakop ng lugar ng Mindanao.

Lumabas sa impormasyon na sobrang na-stress si Kato matapos makipagkita kay Moro National Liberation Front (MNLF) Founding Chairman Nur Misuari sa bahagi ng Camp Omar sa Talayan, Maguindanao. (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.