Umbagerong Ama, Inutas ng Anak

MATINDING GALIT at sama ng loob ang bumalot sa isip ng 25-anyos na anak na lalaki kaya pinag-uundayan nito ng saksak hanggang sa mapatay ang sariling ama na sinasabing nanggulpi sa kanyang ina sa Barangay Casilagan, Naguilian, La Union kamakailan.

Kinilala ng mga awtoridad ang biktima na si Dominador Costales, 40, habang naaresto naman ng pulisya ang suspek na si Roberto Costales.

Batay sa pagsisiyasat na nakipagtalo ang biktima sa asawang si Lanilyn kung saan nauwi sa panggugulpi kung saan nasaksihan ng salarin.

Dahil sa hindi matiis ang ginawa ng kanyang ama sa sariling ina at akmang papaluin sana ng bakal ang misis nang makadampot ng kutsilyo ang suspek.

Dito na pinagsasaksak ng suspek ang ama sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Samantala, namatay ang biktima habang ginagamot sa pagamutan at naghihimas na ng rehas na bakal ang sumukong anak nito.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.