Umawat sa Rambol ng Kabataan: Parak, Patay sa Sumpak

NAGBUWIS NG buhay ang isang pulis nang pagbabarilin matapos na awatin ang nag-aaway na grupo ng mga kalalakihan na pinaniniwalaang kasapi ng magkalabang fraternity sa Brgy. Looc, Danao City, Cebu kamakailan.

Kinilala ang nasabing biktima na si SPO2 Jose Relampagos, residente ng Brgy. Dumlog ng lungsod, dead-on-arrival sa Danao City Provincial Hospital sa tinamong mga tama ng bala sa katawan.

Base sa report ng Danao City Police, si Relampagos, imbestigador ng Tuburan Police Station, nagtungo sa Brgy. Looc ang biktima kasama ang kanyang live-in partner upang makilahok sa pagsisindi ng kandila kaugnay ng ginaganap na piyesta sa lugar .

Bandang alas-5 ng hapon habang pauwi na ang mag-live-in nang makita ng nasabing parak ang komosyon sa pagitan ng magkalabang grupo ng fraternity na karamihan ay mga kabataan.

Pu¬magitna si Relampagos sa grupo ng nag-aaway na mga kabataan na may mga bitbit na sumpak, patalim at kahoy para awatin ang mga ito.

Gayunman, nairita ang mga salarin kung saan ilan sa mga ito ay pinagbabaril ang naturang alagad ng batas na nabigo ng bunutin ang kaniyang 9 mm pistol para gumanti ng putok.

Samantala, nasakote naman ang ilan sa mga suspek na kinilalang sina Ronstel Casas, 27 anyos; Ronnie Capin, 31; Brave Alvaro, 19 taong gulang.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.