Umawat sa Rambol: Mag-utol, Kritikal

KRITIKAL ANG mag-utol makaraan pagsasaksakin ng mga kalugar matapos awatin ng mga una ang nagrarambulan sa tapat ng kanilang bahay sa Caloocan City kamakalawa ng gabi.

Kapwa inoobserbahan sa East Avenue Medical Center sanhi ng mga saksak sa katawan sina Virgilio Campo, 48 at utol na si Virgildo, 30 kapwa ng Malaya St., Pangarap Village ng lungsod.

Pinaghahanap naman ng mga pulis ang mga suspek na sina Bryan Pajarillo, 26; Anthony Talabera, 28 at Andrew Divina, 21 pawang mga kapit-bahay ng mga biktima.

Batay sa ulat, alas-11:30 ng gabi, nasa tapat ng kanilang bahay ang biktima nang may magrambulan na naging dahilan upang awatin ng mag-utol.

Hindi nagustuhan ng mga suspek ang ginawa ng mag-utol na naging dahilan upang pagtulu-ngan pagsasaksakin bago nagsitakas habang dinala naman ang mga biktima sa EAMC.

(MARY H. SAPICO)

 

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.