Umawat sa away, binalingan ng saksak

MUNTIK NANG MATODAS ang 26-anyos na lalaki na umawat sa nadaanan nitong away ng dalawang suspek sa isang lalaki kamakalawa ng gabi sa Marikina City.

Kinilala ni Sr. Supt. Romeo Magsalos, Chief of Police ang biktima na si Julius Ogbac, binata at nakatira sa # 334 Champaca-1, Brgy. Fortune, ng nasabing lungsod.

Target naman ng manhunt-operation ng pulisya ang mga suspek na sina Jeffrey Benedicto, 19, alyas “Samdam”, at Alvin Lado, nasa hustong gulang, kapwa nakatira sa # 385 Champaca-2, ng nabanggit ding lungsod.

Sa imbestigasyon ni P03 Fidel Draculan, dakong alas-11:30 ng gabi nang mangyari ang pananaksak sa biktima ng makialam ito sa away.

Nauna rito, papauwi na ang biktima nang matanawan nitong ginugulpi ng mga akusado ang walang laban na si ‘Bingo’, kaya’t lumapit ito at sinabihan ang mga suspek na “maawa naman kayo sa kanya, tigilan na ninyo yan”, na ikinairita ng mga akusado.

Sa puntong ito, bumunot ng balisong ang isa sa dalawang suspek at saka sunud-sunod na inundayan ng saksak si Ogbac sa katawan at tiyan saka mabilis na nagsitakas.

Naisugod naman sa Amang Rodriguez Medical Center ang biktima na ngayon, nilalapatan ng lunas.

(ZUNATO TUAZON)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.