Umalma sa mga Pulis 2 Carnapper, Todas sa Engkwentro

AGAD NA binawian ng buhay ang dalawang armado ng baril na lalaki,makaraang makipag-barilan sa mga pulis kamakalawa ng

madaling-araw sa Sitio Bagong Sikat, Brgy. Tabang, Plaridel, Bulacan.

Sa ulat na ipinadala ni P/Supt. Julius Ceazar Domingo kay PNP Provincial Director Fernando Mendez, Jr., kapwa armado ng cal. 38 na baril ang dalawa na nakasuot ng long sleeves at dark short pants, at puting T-shirt at short pants, na sakay ng skeleton type na motorsiklo na walang plaka; samantalang ang biktima naman ay nakilalang si Ernesto Sta. Juana, 36 anyos ng Brgy. Parulan.

Base sa inisyal na im-bestigasyon ng mga awtoridad, dakong alas-12:45 ng umaga ng agawin ng mga suspek ang Yamaha Sniper na may plakang 3718-CT sa bahagi ng Cagayan Valley Road, Brgy. Tabang.

Nabatid na alas-2 ng madaling-araw nang maganap ang palitan ng putok sa pagitan ng mga suspek at pulisya dahilan upang gumanti ang mga pulis, kung saan nabawi naman ang kinarnap na motorsiklo ng biktima.

Habang sinusulat ang balitang ito, bigo pa rin ang mga pulis na makilala ang mga napatay na suspek.

(TONY DELA PEÑA)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.