Umalingasaw ang masangsang na amoy BANGKAY NG EPILEPTIC, NATAGPUAN

NATAGPUAN NG KANYANG mga kapitbahay ang bangkay ng isang epileptic na lalaki matapos mangamoy sa loob ng bahay sa Caloocan City kamakalawa ng gabi.

Naaagnas na nang makita ang bangkay ng biktimang si Ike Bolnito, 54, ng General Tirona St., Bagong Barrio ng lungsod.

Sa nakalap na impormasyon sa Station Investigation Division (SID) ng Caloocan-PNP, dakong alas-10 ng gabi nang matagpuan ang naaagnas na katawan ng biktima sa loob ng bahay nito.

Ayon sa ulat, nakaamoy ng masangsang na amoy na dala ng hangin at nagmumula sa bahay ng biktima ang mga kapitbahay nito kung saan ilang araw na rin hindi napapansin ng mga ito na lumalabas ng bahay si Bolnito.

Agad na tinunton ng mga residente ang pinagmulan ng amoy at pagtapat sa bahay ng biktima ay lalong lumakas ang mabahong amoy at nang pasukin ay nakita ang bangkay ng biktima na naaagnas na.

Nabatid na solo nang namumuhay ang biktima na may epileptic mula ng iwan ng kanyang asawa. (MARY H. SAPICO)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.