Umabot na sa P43-B; Disaster Aid sa ‘Pinas, Dinoble ng WB

DINOBLE NG World Bank ang disaster aid sa Pilipinas para sa mga hinagupit ng super typhoon Yolanda.

Dahil sa dagdag na $480 milyon, umaabot na ang financial assistance mula sa World Bank sa halos $1 bilyon o P43 bilyon.

Sinabi ng World Bank president na si Jim Yong Kim na ang karagdagang pledge nang makausap si Pangulong Benigno ‘Noynoy’ Aquino III.

Pangako pa nito sa punong ehekutibo na maibibigay ang financial package sa mga susunod na linggo.

Ang karagdagang $480 milyon ay ipagkakaloob katuwang ang Community Driven Development Project for the Philippines na gagamitin sa emergency response at sa rebuilding projects.

“The project could immediately support typhoon affected communities rebuild community-level or livelihood related infrastructure such as water, rural roads, schools and clinics, using retroactive financing. The project will empower communities themselves to lead the reconstruction effort, by offering a transparent way for people to identify their own needs,” ayon pa sa World Bank.

Samantala, nagtalaga na rin ang World Bank ng emergency specialists sa Maynila para tumulong sa pag-assess ng pamahalaan sa pinsala at matukoy ang prayoridad sa rebuilding.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.