Umaasa pa ring balikan ni Melissa Ricks Jake Cuenca, tinigasan naman kay Lovi Poe?!

INAMIN NI JAKE Cuenca na walang kinalaman si Lovi Poe sa nangyaring hiwalayan nila ni Melissa Ricks. Ayon sa binata, sarili nilang desisyon ni Melissa ang paghihiwalay at hindi dahil sa kung kanino man.

“Actually, ayoko nang pag-usapan ‘yang ganyan. Siguro mas makabubuting hayaan na lang natin na maging masaya kami ni Melissa at maging magkaibigan na lang kami. After all, hindi naman kami nag-away nang maghiwalay, dahil ang mahalaga ay magkasundo at napagkaisahan naming wala na muna kami para makapag-concentrate kami sa aming mga career.”

Ayon kay Jake, hindi niya isinasara ang pintuan kay Melissa. Anytime ay puwede pa silang magkabalikan dahil wala naman daw silang pinag-awayan. “Kaya nga as much as possible, ayoko nang pag-usapan pa siya dahil alam ko kapag magsasalita pa ako, baka iyon na ang makasira sa maganda naming sinimulan noon.”

Sa kabilang banda inamin ni Jake na todo-bigay sila sa pelikulang My Neighbor’s Wife pinagsamahan nila ni Lovi Poe, kung saan ay kasama rin si Carla Abellana (pero hindi na rin namin babanggitin ang title ng movie, sa dahilang kami na lang ang nakakaalam, hahaha!) na totoong nagpatungan sila ni Lovi Poe sa isang eksena, kung saan ay nakahubad ang aktor.

“Nakakailang nu’ng una pero inisip namin na trabaho, kaya hayun ginawa namin,” sabi pa ng binata.

Kuwento naman ng isang friend nang kunan ang nasabing eksena, nakakaelya si Jake.

“Naku totoo palang hindi nagbi-brief ang lalaking ‘yan! Lagi palang naka-trunks lang si Jake, then nu’ng kunan ‘yung eksenang love-making nila, naloka ako dahil talagang kinailangan pang ibaba ‘yung trunks niya para magmukhang wala talaga siyang suot sa pang-ibaba. Pero, ‘Day, mukha talagang wala na siyang pang-ibaba dahil sobrang hubad na hubad na ‘yung eksena,” tumitiling sabi pa ng aming kausap.

Yummy raw talaga si Jake, ang kinis-kinis nito. “’Day at ang Lovi, talagang ‘victory joe’ ang hitad. Talagang bigay na bigay sa eksena. Kaya nga feeling ko, siguro bago kunan ang eksenang ‘yon, nauna nang nagtsuktsakan ang dalawang ‘yan.” at sinabayan pa ng halakhak ng aming kausap.

Hindi itinanggi ni Jake na totoong grabe at napakainit ng love scene nila ni Lovi. “Pero hindi ako nag-take advantage sa kanya dahil hindi naman ganu’n ang pagkatao ko, ‘no!”

Teka, totoo ba ‘yan, Jake?! How true na matapos ka-yong kunan ni Lovi ng bed scene ay hindi pa rin humuhupa ang init ng iyong ibaba? Hahaha!

“Tinigasan si Jake, tinigasan!” Tumatawang sabi naman sa amin ng isang babaeng staff ng nasabing pelikula na hindi namin puwedeng banggitin kung ano ang title. Tsuk!

 

KAMAKAILAN AY NAKAUSAP natin ang guwapong boyfriend ni Toni Gonzaga na si Direk Paul Soriano sa isang presscon. Bukod kasi sa pagiging direktor, raket daw nga-yon ni Direk Paul ang paminsan-minsang pag-iendorso ng mga produkto. At kung dati si Direk Paul ang nagdi-direk ng mga commercial, this time, kasama niya sina James Younghusband at Jake Cuenca bilang endorser ng isang corned beef product.

Say ni Direk Paul, dalawang beses pa lang daw siyang nag-endorse ng produkto (wa na sa pagka-gibsung ng name ng product at sa kung anong dahilan ay walang pakialamanan, hahaha!) At ayon kay Direk Paul, four years na silang may relasyon ni Toni Gonzaga, maganda naman daw ang ipinakikita sa kanya ng side ng aktres at hindi raw totoo ang balitang pinagmamalditahan siya ni Mommy Pinty. Mabait daw at marespeto ang ina na ito ni Toni.

Sabi ni Direk Paul, balak na raw talaga niyang pakasalan si Toni anytime, kaya lang si Toni raw ang tumatanggi dahil sa dami ng showbiz commitments nito. Kaya pinasasantabi muna niya ang pangarap na ma-bigyan ng bonggang kasal ang kasintahan.

“Kahit kelan at kahit anong kasal ang gusto niya, ibibi-gay ko. Pero ang problema ayaw pa niya talaga.”

Hindi pa man ikinakasal sina Toni at Direk Paul, pa-ngarap na ng director na magkaroon sila ng maraming anak ng aktres at gusto nito ang maging panganay nila ay lalaki.

“Mas maganda siguro kung lalaki, tapos babae, ganu’n. Pero bahala na, basta ang importante, masaya kami ni Toni sa ganitong sitwasyon.”

More Luck
by Morly Alinio

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.