Mga Residente ng Parola, Tondo Umaalma

UMAALMA ANG mga residente ng Parola, Tondo, Maynila kung saan ang mga ito ay nagtungo sa tanggpan ng Northern Media Group sa lungsod ng Caloocan para pabulaanan ang paratang ng ilan nilang mga kalugar at ilang barangay official  na nagsasabing isang masamang tao ang kanilang iniidolong si Tambobo Rioferio.

Si Tambobo ay kilala sa Parola at saan mang sulok ng Tondo bilang mabuting tao na madaling lapitan ng mga mahihirap na nganga-ilangan, partikular ang mga walang pampalibing sa kanilang namayapang mahal sa buhay,  sumbungan ng mga nabibiktima ng holdap, snatching o ano pang mga karahasan sa apat na sulok ng Parola.

Pinararatangan si Tambobo na isa umanong gun runner at tulak ng droga sa nabanggit na lugar, dahilan upang umalma at gumitna ang mga residente at ipagtanggol ito sa mga mapanlinlang na dila ng umano’y mga traydor na kalaban ng kanilang idol.

“Nag-umpisa lamang ang lahat sa isang biro nang sabihin ng isang kaibigan ni Tambobo na malaki ang tsansa nitong  maging barangay chairman dahil sobra ang bango nito sa mga residente ng Parola, kung saan magmula Gate 48 hanggang Gate 60, ay hindi kayang tawaran ang ipinakikitang pagmamahal ng mga mamamayan kay  Tambobo. Bilang patunay, nang kumandidatong  kagawad ng barangay ang asawa nitong si Marlyn ay nanalo ito bilang  first kagawad na lalong nagpakaba sa mga nakaupong opisyal ng barangay sa nabanggit na lugar at naging dahilan  simula umano noon ay kinaiinggitan at pinag-initan na si Tambobo,” kuwento pa ng mga nag-aalburotong residente.

Napag-alamang kaya naging malapit sa puso ng masa si Tambobo ay dahil bukod sa pagiging matulungin nito sa kanyang mga kalugar, taga-awat pa ito kapag sumisiklab ang riot sa nabanggit na lugar.

“Kitang-kita namin kapag mayroong riot, lumabas lang ng bahay itong si Tambobo ay kaagad nagpupulasan ng takbo ang magkabilang grupo at nagtatakip ng kanilang mga mukha upang hindi sila  makilala.

Nabatid na kaya sa NMG nagreklamo ang mga residente ay dahil sa pangambang sa Maynila ay may mga kakuntsaba ang mga taong nais gumiba sa kanilang idolo.

(ROMAN MAGPOC) 

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.