Ulyanin na Tsinoy, Namatay sa Kanto

INAALAM NA ng mga pulis kung ano ang ikinamatay ng isang Tsinoy na ulyanin sa kanto malapit sa kanilang bahay sa Caloocan City kamakalawa ng hapon.

Nakilala ang biktima na si Harry Chan, 67, ng Nadurata St., West ng lungsod.

Sa ulat, alas-4 ng hapon nang makitang patay ang biktima ng construction worker na si Rommel Combate sa kanto ng Nadurata at 9th Avenue ng lungsod.

Agad namang nakarating sa pamilya ng biktima ang pangyayari kung saan nawala umano sa kanilang bahay si Chan noong nakalipas na Mayo 13, 2013.

Ulyanin na umano ang biktima at nang makalabas ng bahay ay hindi na nakauwi hanggang sa abutin ng kamatayan sa nasabing lugar.

(MARY H. SAPICO)

 

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.