Ulo ng Miyembro ng Guardians, Binagsakan ng Hollow Block

HALOS MADUROG ang ulo ng isang lalaki na miyembro ng grupong Guardians Luzon Chapter nang bagsakan umano ng hollow block sa Barangay Fatima, General Santos City.

Nakilala ang biktimang si Antonio Moisho, 38, nakatira sa nasabing lungsod.

Ang bangkay ni Moisho ay kinilala ang kanyang ina na si Rosa Moisho sa morgue ng GenSan District Hospital.

Nakipag-inuman umano ang biktima kasama ang isang alyas Emil subalit natagpuan na lamang ng mga residente sa Zone 11, Brgy. Fatima ng lungsod na nakabulagta at duguan ang ulo kaya’t dinala sa pagamutan.

Pinaniniwalaan na binagsakan ng hollow block ang ulo ng biktima at nagtamo ng pasa sa mata sanhi ng kanyang agarang kamatayan.

Ayon sa impormasyon hindi na nagpakita pa ang kasama ng biktima sa inuman matapos ang insidente.

(EUNICE CALMA)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.