Ulo ng kelot, missing

ISANG KATAWAN ng lalaki na walang ulo ang natagpuang lumulutang sa karagatang sakop ng Brgy. Magulibas, Jose Abad Santos, Davao Del Sur.

Sa ulat ng pulisya, napag-alaman mula sa nagpakilalang miyembro ng Bagwis Kabalikat Civicom na nagulantang ang isang mangingisda na papalaot sana nang kanyang makita ang isang bangkay na wala nang ulo.

Ang biktima ay nasa 5’2” ang taas at nakasuot lamang ng maong na shorts.

Nasa advance state of decomposition na ang bangkay kaya’t nagdesisyon na ang mga pulis na ilibing na lamang ito sa nasabing lugar.

Malaki ang paniniwala ng mga awtoridad na sinadyang pugutan ng ulo ang biktima na posibleng isa ring mangingisda.

(E. CALMA)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.