Ulo, inilagay sa ilalim ng X’mas tree Ina, pinugutan ng sariling anak

PUGOT NA ulo ang natagpuan ng Pamilya Aguirre sa ilalim ng kanilang Christmas tree kahapon ng alas-7 ng umaga. Natagpuan nila ang malamig na bangkay ng kanilang kaanak na si Nenita Aguirre, 70-anyos, residente ng Barangay 7, Moises Padilla, Negros Occidental.

Batay kay Senior Inspector Robert Mansueto ng Moises Padilla Police, ang anak mismo umano ni Nenita na si Joji Aguirre, 37-anyos ang gumawa ng krimen.

Hindi makausap nang matino ang suspek dahil umano sa sakit sa pag-iisip. Nagkaroon umano ng ma-tinding depresyon ito matapos magkahiwalay ng asawa at tatlong araw na ring walang tulog.

Narinig pa umano ng mga kaanak ang pagtatalo ng mag-ina. Ayon sa suspek, bagama’t nalulungkot siya sa pangyayari, wala uma-no siyang matandaan dito.

Planong isailalim sa psychiatric evaluation ang suspek, haharapin din niya ang kasong parricide.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.