Ugandan National, Timbog sa Shabu sa NAIA

ISANG UGANDAN national na umano’y mIyembro ng malaking drug syndicate ang inaresto nang mahulihan ng droga sa Ninoy Aquino International Airport, Terminal 1 sa Pasay City.

Kinilala ang Aviation Security Group PNP ang dinakip na babaeng dayuhan na si Josephine Baluk Dente.

Kabababa pa lamang sa eroplano ng dayuhan nang makatanggap ng tip ang awtoridad hinggil sa nilalaman ng bagahe nito.

Sa pagsisiyasat, nadiskubre ang 4 kilo ng powder chemical na pinaniniwalaang Shabu na nagkakahalaga ng P20 milyon.

Itinanggi naman ng dayuhan na sa kanya ang nasabing kontrabando.

Hinala ng awtoridad, miyembro ng African drug syndicate ang suspek.

(EUNICE CALMA) 

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.