UE, itinanggi ang isang opisyal ng Customs

PINABULAANAN NG UNIVERSITY of the East (UE) ang naging alegasyon ni Bureau of Customs Intelligence Chief Filomino Vicencio sa kanyang isinumiteng educational qualification sa BoC na nagtapos siya sa nabanggit na eskuwelahan.

Pinatunayan ni Erwin Bermillo, University Registrar ng UE, sa pamamagitan ng isang “certification” na ipinalabas ng naturang eskuwelahan na may petsang September 27, 2010, na si Vicencio ay hindi naging estudyante o graduate sa kanilang paaralan.

Nabulgar ang lihim ni Vicencio nang kasuhan siya ng Revenue Integrity and Protection Service (RIPS) ng Department of Finance kaugnay sa kanyang hindi maipaliwanag na properties at mga sasakyan na umaabot sa dalawang milyon piso.

Si Vicencio ay itinalaga ni dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo at nang pumasok si Pangulong Noynoy Aquino ay na-extend dahil sa kanyang backer umanong kongresista.

Ayon sa inisyal na imbestigasyon ng mga taga-RIPS, si Vicencio ay mayroon tatlong real properties sa Capas, Tarlac at nakapangalan sa kanyang asawang si Lalaine.

Bukod dito, mayroon din siyang 12 magkakaibang kalibre ng baril kasama na ang Charles Daly pistol, North American arms pistol, Eliseo (HP) 5.56 caliber, Colt Shotgun, Browning 9mm pistol, Mossberg shotgun, Beretta pistol at marami pang iba.

Nabisto rin ng mga taga-RIPS na mayroon siyang ginagamit na White Toyota Innova wagon na ginagamit bilang back-up at nakapangnalan sa isang Loreli Vicencio ng Marikina Valley.

Nakabili pa umano ito ng mga lupa sa Barangay Cubcub, Capas at farm lots na tinatayang aabot sa sampung hektarya noong June 17 mula sa isang Pepito Mariano.

Nakapag-purchase din umano ang mag-asawang Vicencio ng tatlong stalls sa Capas Public Market na nagkakahalaga ng P1.3 milyon.         (Froillan Morallos)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.