Tyson Beckford may sex tape?

KUMAKALAT NGAYON sa adult entertainment community ang balitang pagkakaroon ng sex tape ng sikat na Polo model at aktor na si Tyson Beckford kung saan in-enjoy nito ang sarili habang ka-video chat sa internet ang isang female model.

Ayon sa isang seller na naglabas ng balita, sa naturang hot chat session ay binabanggit pa nga raw ng modelo ang mga pelikulang nilabasan niya at ang mga nakasama nitong mga artista.

Isa sa kampo ni Beckford ang nagsabi na hindi pa nila nakikita ang nasabing footage kaya wala pa silang mailabas na statement hanggang hindi pa nila napapanood ito.

 

RUSSEL BRAND UNFOLLOWS SOON-TO-BE-EX-WIFE KATY PERRY ON TWITTER

 

NGAYONG NAG-FILE na ang aktor na si Russel Brand ng divorce laban sa kanyang soon-to-be-ex-wife na si Katy Perry ay maging sa Twitter ay tatapusin na rin ng aktor ang kanyang ugnayan sa singer.

Ngayong linggo lang napagpasyahan ni Russel na ia-unfollow niya na ang kanyang soon-to-be-ex-wife sa Twitter.

Kasalukuyan ay 77 people lang ang pina-follow ni Russel, na ikinasal sa singer noon 2010 sa isang extravagant wedding sa bansang India.

Inabot ng apat na buwan bago napagpasyahan ni Russel na i-unfollow si Katy matapos mag-file ng divorce ang aktor noong December last year.

 

CHRIS HEMSWORTH ISA NANG AMA!

 

ISA NANG ganap na ama ang “The Avengers” hunk actor na si Chris Hemsworth!

Nagsilang ng isang baby girl ang asawa ng “Thor” superhero na si Elsa Pataky sa isang London hospital noong Friday kung saan pina-ngalanan nila itong India.

The couple-who married in December 2010 — announced the happy news earlier this year and the Spanish actress Elsa said they were thrilled about their impending arrival.

Sabi pa ni Pataky, “Having the person that you love by your side and starting a family with them is the best thing that can happen to you in this life. You can’t ask for move.”

 

INCEST ACCUSER NI STEVIE WONDER HINULI!

 

ISANG NAGNGANGALANG Alpha Lorenzo Walker ang hinuli ng mga pulis sa isang undercover operation kung saan pinaratangan ito ng pangingikil sa legendary singer na si Stevie Wonder.

Diumano ay kinikikilan ni Walker ang singer para hindi nito ilabas ang diumano pagiging incest child niya nina Stevie Wonder at ng kapatid ng singer.

Pinagbantaan daw ni Walker si Stevie na ilalabas nito sa press ang naturang tsismis kung hindi ito magbibigay ng $5 million kapalit ng pananahimik nito.

Pero ayon sa kampo ni Stevie, pinagtawanan lang ng singer ang naturang banta at bumaba pa raw ang hiningi ni Walker sa halagang $10,000 na lamang.

Ang hindi alam ni Walker ay nakakasa na pala ang isang undercover operation kung saan makikipagkita si Alpha sa mga “reps” ni Stevie.

Ngunit ang hindi alam ni Walker na ang mga “reps” na kinatagpo niya ay pawang mga pulis at sa huli nga ay nahuli ang nangingikil sa singer at kinasuhan ito ng felony extortion.

 

Hollywood Expose!
By J. Roberto Zausa

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.