Parazzi Chikka: Tyron Perez, nababagalan sa takbo ng karir!

Hindi na maitago pa ng Starstruck avenger na si Tyron Perez ang pagkadismaya sa mabagal na pagusad ng kanyang showbiz karir. Pagkatapos niya kasing magpaka-daring sa pelikulang Twilight Dancers, inasahan ng kanyang mga tagahanga na bibigyan na siya ng project ng Kapuso. Binigyan nga siya, pero puro supporting roles lang. Dumaan sa puntong na-depress siya dahil sa dalang ng offers sa kanya. Hindi naman daw siya pasaway at on time siya palaging dumarating sa set.
Bida siya ngayon sa bagong pelikula ng Leo Films na PIPO, kung saan gumanap siya bilang isang cybersex worker. Marami ang nanghihinayang sa aktor dahil marunong naman itong umarte pero di nabibigyan ng break. Sa paglabas niya sa indie films, magtuloy-tuloy na kaya ang dating ng raket sa kanya? Hmmmm….

By Mica Rodriguez, Photos By Luz Candaba

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.