Tweets ni Zsa Zsa Padilla, sinusubaybayan

MARAMI ANG inte-resado at nag-aabang ng tweets ng magaling na actress-singer na si Zsa Zsa Padilla na ngayon ay nasa Amerika kasama ang anak na si Zia at nagpapagamot . At ito ang latest tweet ni Zsa Zsa Padilla after ng outpouring ng messages at concern sa nalamang may stage 1 kidney cancer siya at nakatakdang operahan sa August 28 sa Cedars Sinai Hospital sa Los Angeles.
“When life situations get rough, I find myself taking deep breaths. And I am ready 2 take on new challenge. Living life one day at a time.”
Kaya naman sa pinagdaraanan ngayon ni Zsa Zsa, maraming kaibigan nito mula sa loob at labas ng showbiz ang humihingi ng panalangin sa mabilis na paggaling nito, para naman pagbalik nito sa bansa ay magaling na ito at handa na ulit magtrabaho.

 

DAPAT TULARAN ng ibang young stars ang tween star ng Kapuso Network dahil balitang may isang proyekto/ campaign ito kung saan katulong ang kanyang iniendorsong shade ng Sprinto, kung saan sa kumakalat nitong video sa social network ay sinasabi nitong lilinisin niya ang buong Quezon City Circle ng isang araw.

Mangyayari lang daw ito kapag nag-hit ng kumbinasyon ng likes, comments at share ang kanyang campaign video ng 5,000, kung saan sinasabi nitong lilinisin niya ang buong Quezon City Circle.

Isa na rin daw ito sa paraan ng young actor para makatulong na maiwasan ang pagbaha sa Quezon City Circle na dahil na rin sa mga kalat na tinatapon ng mga kapwa nating Pinoy everytime na bibisita rito. Kaya naman mag-start nang i-like, mag-comment at i-share ang Sprinto Campaign Video ni Teejay Marquez at Sprinto at makiisa sa maganda nitong layunin.

 

KAKAIBA ANG “Dolphy Alay Tawa” na isang benefit concert at isa sa mga events na gagawin ng Dolphy Aid Para sa Pinoy Foundation para tumulong sa mahihirap. Dahil dito, magsasama-sama ang ilan sa mga artista ng ABS-CBN, TV5 at GMA-7.
Ang nasabing benefit show ay magaganap sa August 31, sa SM Mall of Asia Arena at P150 ang entrance fee, kung saan ang ilang percentage ng kikitain ay gagamitin sa pagpapatayo ng classrooms sa Emilio Jacinto Elementary School sa Tondo, Manila.
Paniguradong wala si Zsa Zsa Padilla sa mismong araw ng banefit concert, dahil kung matutuloy ang operation niya sa Aug. 28 para alisin ang bukol sa left kidney niya, hindi agad siya makababalik ng bansa.

 

MARAMI NA ang nagaabang sa gaganaping underwear and denim show ng Bench Universe sa Mall of Asia Arena sa Setyembre 13 & 14. Kung saan sine-celebrate ng sikat na Pinoy retail brand ang kanilang 25 years ngayong 2012.

Ilan sa artistang aaba-ngan sa Bench Universe ay sina Borgy Manotoc, Dingdong Dantes, Enchong Dee, Joseph Marco, Lovi Poe, Jake Cuenca, Rocco Nacino, at Paulo Avelino, at sina Enzo Pineda at Benjamin Alves na dalawa sa bagong pasok sa Bench family.

Mapapanood din sa nasabing fashion show ang iba pang celebrity endorsers na sina Lucy Torres-Gomez, Georgina Wilson, Isabelle Daza, Pancho Magno, John Spainhour, Carla Abellana, Kathryn Bernardo, Steven Silva, Sam Concepcion, Shaina Magdayao, Jessy Mendiola, Bela Padilla, Julia Montes, Kim Chiu, Melai Cantiveros, Sarah Lahbati, Aljur Abrenica, Karylle, Diether Ocam-po at Richard Gomez.

 

John’s Point
by John Fontanilla

Related Post

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.