TWEET NI MANNY PACQUIAO, KALURKEY!

OLA CHIKKA! NOW na! Don’t make your Monday a blue Monday! Speaking of English, magpapakatotoo ako na pagdating sa English, hindi talaga ako magaling. Ayokong magpaka-plastic na kagaya ni Manny Pacquiao. Ang lolo n’yo ‘TH’ sa pag-i-English sa Twitter. Mabuti at marunong siyang mag-tweet. ‘Kaloka! Hahaha!

‘Eto ang bonggang twit niya: Im sorry guys but most of the players of bostons is a friend of mind and kobe too thanks I think I have to delete my account and stop it I know I cant pls. Everybody thanks everyone at TARAyNG AT PA DIBA? Where do you leave?

‘Kalurkey, ‘di ba? Kasi naman Congressman, dapat ay hindi ka basta-basta nagpo-post ng kung anu-ano lalo na sa Twitter. Ano na lang ang sasabihin ng mga tao kung ganito ang mga eksena mo? Isa ka pa naman sa mga gumagawa ng batas, tapos, ganyan ang drama mo?

Paano na ‘yan kung sakaling tumakbo ka na bilang Presidente? Nagbabalak ka pa naman, ‘di ba? Sino na ang mga susuporta sa ‘yo kung ganyan ang mga example mo?

NAKU, SPEAKING OF president, nakakaloka naman itong si Alma Concepcion na nagbabalak din daw na tumakbong presidente?! Naku, hindi porke’t nagpa-kita ka ng maganda sa inyong asosasyon ay may ‘K’ ka nang tumakbo! ‘Kaloka ka naman, ‘teh!

Dapat ay magpakita muna kayo ng magagandang example sa atin at pag-aralan n’yong mabuti ang mga binabalak n’yo. Sabagay, ilusyon lang naman ‘yun. Depende pa rin kung may mga susuporta sa kanila! Hahaha!

BLIND ITEM: SINECH ang politician-comedian na ito… ‘kaloka, umpisa pa lang nagbigay na agad ng clue! Hahaha!

‘Eto ang chikka. Kasama kasi siya sa premiere ng isang pelikula. Ang nakakawindang, akala mo ay kung sino siya kung umasta. Biruin n’yo ba naman, pinaalis niya ‘yung matatanda roon sa uupuan niya dahil doon daw siya nakapuwesto?! Grabe naman! Walang galang, ‘di ba?

Mabuti na lang at lumapit ang isang usherette, at sinabi sa politician-comedian na hindi ‘yun ang puwesto ng mga artista! Hahaha! Napahiya ang damuho! Ang bilis ng karma, ‘di ba?

For more chikka and more fun, aba-ngan na lang po ang aking programa kasama ang aking anak na si Lady Camille sa DWSS 1494khz, Lunes hanggang Biyernes, 11:30-12:00 ng tanghali. Subaybayan pa rin ang a-king programa sa DZRH 666khz, every Sunday 2:30-3:30 ng hapon!

Ooola Chika
E-mail: tita_s2006@yahoo.com
by Tita Swarding

loading...

11 thoughts on “TWEET NI MANNY PACQUIAO, KALURKEY!

  1. nelsonIv,,, alam mo ikaw nakakaawa ka,,, kasi ikaw yung taong bulag… ayan na sa harap mo di mo pa nakikita,, di mo matanggap na di mabuting tao si idol mo c manny, eh sa ganun sya eh,, at pasalamat ka sa mga taong nagsusulat ng ganitong artikulo ng dahil s kanila,,nlalaman ng tao ang baluktot n personalidad sa lipunan,, hindi sila ginagawan lng ng kwento,,, kung baga nga kung mau usok, may ningas,

  2. hi maria.. pano mo naman nalman na totoo ang mga sinabi mo? malapit ka ba s kanya?kay manny? kasi ako oo, madalas ako sa tambayan nyang casino, fpor some secret stuff,, at nasaksihan ko ang ilang importanteng bagay bagay tungkol s kanya, totoong sugarol xa at bbaero noh…shock p nga aq akala ko mabait at mabuti tlaga xang tao, ang akin lang,, WALA XANG KARAP[ATANG TUMAKBO SA KAHIT N ANONG POSISYON,,, malinaw na panloloko sa mamamayan yan ng pilipinas at my karapatan ako dahil ako ,tayo ang apektado? ano b ang gagawin nya? mag pagmit ky chavit singson? saan? sa iligal na pasugalan?

    • tang-ina..dahan dahan ka at baka di ka masilayan nang araw kinabukasan….wala kang galang…ikaw na bakla na walang naibigay na karangalan sa bayan kundi puro kalaswaan…galing mung mangutya kay Pacman…may kalalagyan ka sa akin pangit na bakla…

  3. wala ka bang ibang maisulat dito. kung ang mga amerikano nga hanga kay Manny Pacquiao dahil sa kagustuhan niyang matutong mag English kahit na hindi ganun kataas ang pinag aralan…. Pero para sa mga Pilipino na kagaya mo ay isa itong kahinaan sa katauhan ni Manny Pacquiao…

    Tanong ko sayo… Ano ba ang dala mong tagumpay para sa bayan.. Wala diba? Kapal ng mukha mong manglait ng tao at least Manny Pacquiao is trying hard to make he's English more and more better each time he speaks English.
    Eh, ikaw Ano ba ang gusto mong patunayan bilang isang manunulat…. Gusto mo talagang patunayan na isa kang malaking TALANGKA gifted with an eyes, mouth, ears and hand. To let you feel that you are human but then again everytime you act speak to much of who you are.

    ISA KANG UTAK TALANGKA……..

  4. Ang Blind item na politician/comedian na ito ay walang iba kundi si Dennis Padilla. Tama ba ako Tita Swarding?

  5. eh ano naman kung mali mali ang english ni manny? hirap sa ating mga pinoy pag mali-mali ang english ng tao pinagtatawanan!! ang importante ay naiintindihan naman ang ibig niyang sabihin, bobo na lang ang hindi makaintindi kahit pa english-carabao yun, tsaka hindi lang mga pinoy ang magpafollow sa kaniya noh? kahit papaano may mga fans yan sa labas ng bansa, kagaya niyang mga nasa boston celtics na binabanggit niya diyan, mga kaibigan niya ang mga players non!

  6. ***hi tita swarding,inabangan ko talaga ang show nyo kahapon sa DZRH,pagtapos ni morly ba sya? si lola naman,and then sa pag salang nyo halos sumabog ang speaker ko sa lakas ng boses nyo,kaloka talaga pero nakakaaliw……..
    ***ayokong magmarunong dahil hindi rin ako mahusay sa english….si manny for president……….utang na loob….maraming taong mas pupwede dyan. wag ng babaero,lasinggero,sugarol, kurakot,at walang na tapos.opinion lang po….

    • Agreed! granted na maging presidente siya ng pinas dahil na rin sa mga taong hindi nagiisip, papano na lang niya lulutasin ang mabibigat na problema ng pinas kung kulang siya sa kaalaman at hindi niya naiintindihan ang binabasa niya. Yeah, pwede siyang kumuha ng adviser, pero papano na lang yun, eh di magiging sunud-sunuran na lang siya sa mga nasasakupan niya dahil tulad nga ng cnabi ko, kulang ang pinag-aralan niya. Baka pati si lola dyunisia ay kumandidato sa pagka-senador niyan. :-)

      • Ang public figure na may reputasyon na babaero at sugarol maski personal na pera pa ang ginagamit nya sa pagsusugal, ay hindi magandang ehemplo sa publiko at lalo na sa mga kabataan. Dahil ipinakita lang nito na weak ang personality nito dahil alam na ang maraming babae at pagsusugal ay mali pero ginagawa pa rin nito, this just means na you cannot fight temptations. No mattter what anyone says, it is not cool to have an affair with another woman while you are still married to your wife, that is immoral at napakasakit ka ng damdamin sa asawa mo at ipinakita mo lang na kung hindi ka marunong mag respect sa asawa mo, paano na lang masasabi ng iba na may respeto ka rin sa ibang bagay at ibang tao. Sana pag isipan talaga bago gumagawa ng gagong mga bagay kasi may bukas at babalik talaga iyon sa yo.

Leave a Reply

Your email address will not be published.