Tweenstar Teejay Marquez, 1 taon pa lang nang iwan ng ina!

NAKAKAAWA NAMAN ANG istorya ng buhay ng isa sa GMA Tweens na si Teejay Marquez na sa edad na 1 taong gulang, iniwan ng kanyang ina para pumunta ng Japan at maghanap-buhay bilang entertainer. Habang ang kanyang ama naman, naging busy sa maraming bagay at nawalan ng oras kay Teejay dala ng pag-alis ng kanyang kabiyak.

Tandang-tanda raw ni Teejay sa kanyang paglaki na tanging lola at mga tita lamang ang kanyang katabi at nagbabantay sa tuwing siya’y may sakit. Kung ilang beses nga raw siyang naiinggit nu’ng kanyang elementary days sa tuwing may makikita siyang kapwa kamag-aral na kasama ang kanilang mommy at hinahatid ang mga ito at sinusundo sa kanilang eskuwelahan.

Tanging sa web cam niya lang daw nakikita at nakakausap ang kanyang mommy hanggang sa mag-16 years old siya tsaka lang niya nakita, nakausap at nayakap ang kanyang mommy na noo`y may sarili na rin palang pamilya at may dalawang kapatid na siya sa hapong napangasawa ng ina.

Alam daw ni Teejay na panandalian lang ang ganu’ng klaseng mga sandali sa piling ng kanyang mommy, dahil tanggap na nito na iiwan siya nito muli para sa kanyang bagong pamilya sa Japan. Kuwento nga ni Teejay, napakasuwerte ng kanyang mga kapatid sa Japan, dahil araw-araw ay kasama nila ang kanyang mommy at lalaki ang mga itong buo ang kanilang pamilya.

At kahit nga raw hindi buo ang kanilang pamilya, nag-focus na lang si Teejay sa paggawa ng commercial at pag-aartista, kung saan tatlo ang regular shows nito sa GMA-7, ang Tween Hearts, Ikaw Lamang ang Mamahalin at Walang Tulugan with the Master Showman. Gusto na lang daw nitong buoin ang kanyang pangarap para sa kanyang sarili at sa kanyang pinakamamahal na lola.

 

NALUNGKOT SI SEXBOMB Sunshine Garcia sa pagri-reformat ng Banana Split, kung saan from weekdays, naging isang araw sa isang linggo na lang ito mapapanood.

Masyadong nag-enjoy raw si Sunshine sa company ng kanyang co-stars sa show, kaya naman nang malaman nitong ‘di siya kasama sa pagri reformat nito, ‘di nito naiwasang malungkot at manghinayang.

Pero dahil sa angking galing sa pag-arte, isinama naman siya ng ABS-CBN sa Reputasyon bilang bagong character at isa sa magiging kontrabida ni Cristine Reyes. Kaya naman daw very thankful si Sunshine dahil may bago na naman siyang show at ang kanyang forte ang gagawin niya, ang pagiging kontrabida.

Pero tsika ni Sunshine, hindi porke’t may solo career na siya ay iiwan na niya ang SB, dahil kahit ano raw ang mangyari, ‘di siya aalis sa grupong nagbigay sa kanya ng pagkakataong makilala. Kaya naman daw ‘pag may time siya, sasayaw pa rin siya sa SB, dahil hinahanap din ng kanyang katawan ang pagsasayaw kasama ang kanyang grupo. ‘Yun na!

 

ISA SA MAITUTURING na pinakasuwerte among young stars ng TV5 ang one of the beautiful face among young stars today na si Meg Imperial dahil may bago na naman itong show sa Kapatid Network, ito ang Glamorosa na pinagbibidahan nina Lorna Tolentino at Alice Dixson.

Isang malaking karangalan nga raw at dream come true para kay Meg ang makatrabaho ang mahuhusay na aktres na si Lorna at Alice, dahil dalawa ito sa itinuturing na magaling na aktres sa bansa. Tsika pa ni Meg na bida/kontrabida raw ang role na kanyang gagampanan sa Glamorosa na first time niyang gagawin.

Bukod kay LT at Alice, makakasama rin niya sa Glamorosa sina Ritz Azul, Zoren Legaspi, Celeste Legaspi, atbp, mula sa direksiyon ni Eric Quizon.

 

John’s Point
by John Fontanilla

Comments are closed.