Tween Star Teejay Marquez, Pinatay sa Facebook at Twitter!

KUMALAT NOONG Sabado Feb. 25 ng umaga sa internet through Facebook at Twitter na patay na ang young actor at Tween Star na si Teejay Marquez na naaksidente raw habang bumibiyahe ang kanilang sasakyan pauwi ng Manila galing show.

Kaya naman inulan ng tawag at text si Teejay na natutulog pa ng mga sandaling iyon mula sa kanyang mga tagahanga, kaibigan at kamag-anakan. Kaya nga nang magi-sing ang young actor ay kinilabutan ito sa dami ng text na natanggap nito na nagtatanong kung totoo ang nasabing issue. Mabilis naman nitong sinagot na buhay na buhay siya at nasa bahay lang.

Tinawagan din ni Teejay ang kanyang mga kamag-anak at inang nasa Japan para ipaalam na buhay na buhay siya at hindi totoong namatay sa isang car accident. Hindi nga nito alam kung kanino galing ang pagkalat ng nasabing tsismis.

Pero gusto raw nitong ipaalam sa lahat na buhay na buhay siya at hindi totoong namatay sa aksidente. Biniro nga raw si Teejay ng kanyang mga kaibigan na mas hahaba pa ang kanyang buhay sa pagkalat na patay na siya, na hindi naman totoo.

 

NAGING ISANG malaking tagumpay ang 1st Grand Fans Day ng isa sa most promising boyband sa bansa, ang UPGRADE, na ginanap sa Mang Inasal Tomas Morato kamakailan mula sa suporta ng Olive C/ New Placenta, Aficionado Germany Perfume / Joel Cruz Signatures at Sotharo Salon Expert and Lifetyle Services ni Ma’am Racquel Domingo.

Dumalo ang mga tagahanga ng mga guwapings na boyband na binubuo nina Armond Bernas, Miggy San Pablo, Ron Galang, K-Cee Martinez, Rhem Enjavi, Raymond Tay at JV Suzara sa pangunguna ng kani-kanilang admin na sina Albert Reyes, Christian Sto. Domingo, Regina Valdez, Irish May Moreno, Jeanne Artuz, Ella Mae Montillano, Heart Bernardo, Louie Apaga, Mica Yoshida, Ramond Calaguan, Mark Jade Balanquit, at Precious Jem Lacatan.

Nag-enjoy ang kanilang mga tagahanga sa autograph signing/ picture-taking at sa mga inihandang parlor games, kung saan nakasama nila ang mga miyembro ng UPGRADE. Habang nagwagi naman sa scrap book contest si Lei, photo-editing si Camille Elauria at sa pinakamataas na boto naman ng likes ng miyembro ng UPGRADE ay nanalo si Julianne Antolin, kung saan nagkaroon siya ng pagkakataong maka-date ang fave member niyang si Rhem at nanalo ng boquet of flowers, stuffed toys at tumbler.

 

MAY BRAND new house daw ang mabait at ma-PR na ina ng award-winning actress na si Sunshine Dizon na courtesy raw ng manugang nitong businessman/ pilot na si Timothy Tan na located sa isang bonggang-bonggang subdivision sa Pampanga.

Sobrang saya nga raw ni Doña Dorothy dahil sa sobrang bait at galante ng kanyang manugang ,kaya naman daw napaka-suwerte ng kanyang anak na si Sunshine dahil ito ang kanyang napangasawa.

At kahit napurnada nga raw ang pagba-balik-showbiz ni Sunshine dahil sa pagbubuntis sa kanyang 2nd baby, busy na rin si Tita Dorothy sa pag-aalaga ng kanyang magandang apo na 10 months old na nga-yon.

 

PINABULAANAN NG young actor na si Hiro Magalona na playboy siya sa pagkaka-link sa co-stars sa Tween Hearts na sina Yassi Pressman at sa ka-loveteam nitong si Kim Komatsu.

Ayon kay Hiro, wala naman daw sigurong masama kung crush niya si Yassi at Kim, dahil paghanga lang naman daw iyon. Alam naman daw nitong wala pang balak na magka-boyfriend ang nasabing dalawang youngstars at ganu’n din siya, dahil mas priority daw nito ang pagtatrabaho sa ngayon para na rin sa kanyang pamilya at ganu’n din daw sila Yassi at ka-loveteam nitong si Kim na career din ang priority.

If  ever nga raw na magkaka-GF siya, gusto niyang isa lang para hindi kumplikado. Handa naman daw nitong aminin kung sino ang kanyang magiging first showbiz GF kung saka-sakaling magkakaroon na siya.

 

John’s Point
by John Fontanilla

loading...

2 thoughts on “Tween Star Teejay Marquez, Pinatay sa Facebook at Twitter!

  1. kumalat sa facebook at tweeter? for real???!! araw araw ako sa facebook at tweeter philippines wala naman akong nababalitaan? hahahaha. dahu si teejay? sa tween hearts? [lease lang stop na fontanilla ang mga pinagsusulat ng bonggang bongga about sa mga unknown and future bading ng showbiz hahahahahah

Leave a Reply

Your email address will not be published.