Tween Hearts cast, harassed and fell unconscious at the Miley Cyrus concert!

MULA SA SOBRANG sayang panonood ng concert ng international young singer na si Miley Cyrus, binalot ng takot ang ilang miyembro ng maituturing na pinakasikat na young stars ngayon, ang tweens mula sa number 1 teen show na Tween Hearts na binubuo nina Kristoffer Martin, Derrick Monasterio, Lexi Fernandez, Bea Binene, Louise Delos Reyes, Alden Richards, atbp.

Pagkatapos na pagkatapos daw kasi ng nasabing concert, bigla silang sinugod ng sobrang daming fans. Akala ng mga ito ay walang makakakilala sa kanila kaya naman humingi ng back-up mula sa mga concert securities ang mga kasama ng mga bata na taga-GMA kaya naman pinalibutan ng mga ito ang tweens pasakay ng van.

Pero ‘di pa rin naiwasang mahipuan ang ilang tweens like si Bea at Kristoffer, samantalang nahimatay naman si Louise sa sobrang takot sa pagsugod sa kanila ng daan-daang tagahanga. Akala nga ng mga ito ay magkakaroon ng stampede. Mabuti na lang daw ay inihatid sila ng mga security hangang sa makasakay ng Van.

Ito lang ang pagpapatunay na sobrang sikat ngayon ng mga tweens ‘di lang sa Pilipinas, kundi maging sa Canada , Amerika at sa iba pang panig ng mundo ay in na in ang mga youngstars ng Kapuso Network.

 

SPEAKING OF TWEEN Hearts, masayang-masaya ang isa sa pinakasikat na young star ngayon na si Bea Binene dahil nakahabol siya sa concert ng kanyang idolong si Miley Cyrus at nakasama ang kanyang kapwa-tweens.

Akala nga raw ni Bea ay hindi na siya makakapanood ng nasabing concert dahil may taping siya ng araw na iyon, pero luckily ay maaga siyang na-pack up at dumiretso kaagad ng MOA para panoorin ang kanyang fave international singer.

Habang hindi naman nagawa pang makahabol ng ibang Tweens na sina Jake Vargas, Rhen Escaño, Teejay Marquez, Ken Chan at Hiro Magalona na mapanood ang one-night concert ni Miley Cyrus, dahil nasa taping ang mga ito ng Walang Tulugan with the Master Showman.

 

DATI PA LANG boyish noong elementary ang isa sa mga prettiest face sa industry at isa sa mga bumubuo ng girls ng  TV5 newest Saturday teen variety show na “Hey, It’s Saberdey” na si Meg Imperial, na napapanood din sa Bagets at Pidol’s Wonderland.

Marami nga raw sa mga kamag-anakan at family friends ang nakapuna nito at nag-aakalang magiging tomboy si Meg pagtuntong ng high school. Pero ayon kay Meg, nagkamali silang lahat dahil babaeng-babae siya nang lumaki at mas gusto ang boys kaysa girls.

Tsika nga ni Meg, nagagandahan siya sa ilan nating artistang babae like Angel Locsin dahil sobrang amo raw ng mukha nito sa personal at sa TV, pero nagagandahan lang daw siya at hindi nangangahulugang type niya ito.

At sa katunayan, may showbiz crush daw si Meg, pagpapatunay lang na babae siya, at ito ay si Coco Martin at ang kanyang screen partner sa Bagets at kasama din sa Hey It’s Saberdey na si Aki Torio, na pareho raw nagtataglay ng maamong mukha.

 

ARTISTAHIN AT PARE-PAREHONG magaganda ang katawan ang bumubuo ng 24 official candidates ng “Sexiest Man In The City 2” na ang grand finals ay gaganapin sa Metro Bar, West Ave., Quezon City sa July 19, 2011, 8 PM, at hatid ng Binary Entertainment at Premier Koncepts.

Kung saan magiging special na panauhin ang matinee idol na si Paulo Avelino at ang katatapos lang ng matagumpay na concert sa Music Museum, ang “Major Move” at tinaguriang Prince of Ballad na si Gerald Santos with special participation ng Raging Divas at Snaps Dancers mula sa direksiyon ni Alex “Dwight” Valerio. Habang hosts naman sina John “Sweet” Lapus at Tin-Tin Caballero.

Ang magwawagi at tatanghaling Sexiest Man In The City 2011 ay tatanggap ng tumataginting na P100,000, 1-year membership with Gold’s Gym, trip to Hong Kong, trophy at sash, habang P40,000 naman plus trophy and sash ang matatanggap ng 1st runner-up at P20,000, sash and trophy para sa 2nd runner-up.

 

John’s Point
by John Fontanilla

loading...

13 thoughts on “Tween Hearts cast, harassed and fell unconscious at the Miley Cyrus concert!

  1. Wag nmn po ninyo Laitin ang Tweens.Hindi nmn po sila ang Sumulat ng Article.Tsaka Search nyo po sa Google ung Tweens para makilala nio po sila isa’t isa kasi lahat nmn po ng Tao may Dark Side ei.

  2. @ goodviBes ano kaba?? bat ang sama mo?? AKALA MO KUNG SINO KA!!! AT SA MGA BAD COMMENTS HALATANG INSECURE AT BITTER KAYO KASI DI NYO MAPANTAYAN ANG TWEEN HEARTS>>>>>>>

  3. PUTA KA BARBIE nakita ko nu’ng papasok ka ng araneta akala mo kung sino kang super sikat. feelingera kang masyado. pwe!

  4. hello bagets market nila at hindi mga thunders gaya nyo.. makapag husga naman kayo wagas.. sikat tlaga sila kasi inis na inis nga ako sa kanila favorite ng kapatid ko at mga kalaro nya yung jake vargas.

Leave a Reply

Your email address will not be published.