TV5’s Home-Grown Princess!

 

AGRESIBO NGAYON ang TV5 sa pagkuha ng serbisyo ng ilang artista mula sa ABS-CBN at GMA. Maliban dito, sinusubukan na rin nilang maghanap ng mga baguhang talento na papasikatin nila ng bonggang-bongga sa pelikula man o telebisyon.

Si Eula Caballero o Lou Eula May Caballero Simo sa tunay na buhay ang isa sa home-grown talents ng Kapatid Network. Ipinanganak noong ika-23 ng Mayo, 1995 sa Cebu, siya ang kauna-unahang nanalo sa reality-based artista search ng Singko na ‘Star Factor’. Dito nagsimula ang bagong karera ng dalaga bilang isang aktres.

May mga nagsasabi na magiging bentahe ni Eula ang kanyang wholesome image at acting talent. Masuwerte rin siyang maituturing dahil nakasama niya ang one and only superstar na si Nora Aunor sa teleseryeng Sa Ngalan ng Ina at nakipagsabayan din ito sa aktingan kay Maricel Soriano sa pelikulang Yesterday, Today, Tomorrow. Mapapanood din si Eula sa teen-oriented show na Bagets: Just Got Lucky bilang Tara Montes at may tsika na makakatambal niya ang American Idol graduate na si David Archuleta sa isang teleserye! Makaka-love triangle din nila rito si Jasmine-Curtis Smith. How lucky nga!

Bata pa lang si Eula ay very promising na ang mga proyektong inihahain sa kanya. Given na rin na mas lalo itong sisikat kapag mag-debut na ito. Lagi lamang tatandaan na maging maayos sa trabaho at iwasan ang mga negatibong isyu, huh? Keep it up, Eula! Make your TV5 Family proud!

 

For comments, questions and suggestions, kindly e-mail us at pinoyfansclub@gmail.com. Visit our website at http://www.pinoyfansclub.com

 

Showbiz Blogster
by Mica Rodriguez
Pinoy Fans Club

loading...

One thought on “TV5’s Home-Grown Princess!

Leave a Reply

Your email address will not be published.