TV5, dismayado sa pagpunta ni Nora Aunor sa GMA-7!

NAGING INTRIGA NA itong pagpunta ni Nora Aunor sa GMA-7, huh!

Nag-react kasi ang mga taga-TV5 du’n sa ginawa nina Joey Abacan sa GMA Films na nagpa-kuha sila ng litrato, kung saan suot ni Nora ang jacket ng Tween Aca-demy at pinahawak pa ng fansign na nakalagay ang title ng pelikula at showing ito ng August 24.

Nagparating nang pagkadismaya ang ilang taga-5 pero hindi sila naglabas ng kung ano mang official statement.

Pinag-usapan nga ito sa radio program ni Cristy Fermin sa Aksyon Radyo pero blind item pa.

Pero nag-react agad ang mga taga-GMA Films na nagpaliwanag na ginawa raw nila ‘yun na walang malisya dahil kaibigan naman daw ni Joey si Nora.

Bukod pa riyan, pumayag naman ito at okay lang kay Kuya Germs na siyang nagdala roon kay Nora.

Hindi na siguro dapat na palakihin pa ang ganu’ng intriga dahil so far, wala pang nakakarating sa akin na reklamo mula sa TV5.

Hindi nga natin sure kung makakatulong ba ito sa promo ng Tween Academy dahil hindi nga siguro kilala ng mga batang bida si Nora at ganu’n din naman ang Superstar, ‘di rin sila knows!

Naikot na rin lang naman ni Nora ang mga dapat niyang puntahan, dapat na mag-concentrate na siya ngayon sa gagawin niya sa TV5.

Magsisimula na raw ang mini-series nito at pati na rin ang pelikulang gagawin niya kay ER Ejercito.

Balak pa ni Mother Lily na kunin ang Superstar para raw sa Mano Po?

Hindi naman isinumite iyan sa Metro Manila Film Festival kaya ewan ko kung para saan ‘yan.

Matatagalan kaya rito si Nora? Gusto ko ring malaman kung nadalaw na ba ni Nora ang kapatid niyang si Eddie Boy Villamayor na nasa rehab pa rin ngayon?

Alam ko. ‘Yun ang isa sa mga gusto niyang gawin sa pagbabalik niya rito.

 

MUKHANG MATUTULOY NA raw ang pagsasama nina Aljur Abrenica at Kylie Padilla sa isang pelikula.

Ito ‘yung entry ni Robin Padilla para sa Metro Manila Film Festival. Ibig sabihin tanggap naman pala ni Robin si Aljur para sa anak niya.

Nang tinanong naman ng Startalk ang dalawa, wala pa silang ideya kung tuloy ba talaga ito. Naririnig lang daw nilang binabalak silang pagsamahin pero wala pa raw nagko-confirm sa kanila.

Kaya nu’ng tinanong si Aljur tungkol dito, na-excite ang young actor dahil gustung-gusto nga raw niyang makasama si Kylie.

Ang dinig ko rin, may binabalak na ring drama series na pang-primetime ng GMA-7 pagsamahin na silang dalawa.

Kung matutuloy ‘yang lahat, siguro aamin na sila na, ‘no!

Ang sabi lang kasi ni Aljur, exclusively dating pa rin at espesyal si Kylie para sa kanya, kaya ‘yun din ang sagot ng huli.

Ngayong linggo na magtatapos ang Blusang Itim ni Kylie at malaki ang pasasalamat niya dahil nabigyan daw siya ng GMA-7 ng ganu’ng break.

Medyo nakukulangan pa nga raw siya sa ginawa niya sa Blusang Itim kaya gusto niyang mag-workshop pa para matuto siya nang mabuti sa pag-arte.

Pero magbabakasyon daw muna siya sa Baguio, Sagada at Banaue Rice Terraces para makapagpahinga pa.

Definitely, hindi raw kasama si Aljur sa bakasyong ‘yun dahil busy naman ang binata.

 

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

loading...

11 thoughts on “TV5, dismayado sa pagpunta ni Nora Aunor sa GMA-7!

  1. @Magica, tama ka, I also watch Oprah’s OWN channel and i like watching the Finding Sarah series and also the Ryan & Tatum O’neal reality show, sana gawin rin yon sa Pinas sa mga artista. Nakakaluma na yong puro fantasy series na lang.

  2. Suggestion for a Show on TV (reality series)

    Oprah winfrey network in the USA has an unprecedented, the six-part television series “Finding Sarah” documents Sarah Ferguson, the Duchess of York’s emotional struggle to rebuild her life.

    I suggest you also make a show like this in the Philippines, I suggest you have Nora Aunor, starting when she comeback to the US, with highlight with her undergoing surgery. Her day to day life and undersoing the surgery and after that.

    I believe, this is a good idea,since she has fans also from the higher class, and also good for the Filipino channel promotion.

  3. katangahan ni Nora yan, alam naman nyang exclusive na sya sa channel 5, pumayag pa syang magpagamit ng ganyan, kabagobago ba sya sa showbiz para di malaman na ganyan ang mangyayari? Tanga tanga kasi kaya laging naloloko.

  4. Isang buwan lang ang gagawing mini serye ni Nora sa tv5, lumalabas na naman ang sungay ni cristy fermin katatapos lang niya makipag plastikan ke NORA AUNOR ngayon naman wala pang isang linggo blind item na kaagad ni cristy si Nora hahahaha!!!!! ISA PA, hindi exclusive star ng TV5 si nora dahil pwede siya gumawa ng pelikula nder regal films at GMA. Yang mga thunderz na sa showbiz pwede sila palipat -lipat kahit saang mga tv channel sila makarating ang hindi lang pwede ay yung mga exclusive star ng abs gaya ng star magic at sa GMA naman ay GMA ARTIST CENTER.

  5. si baklang german ang sisihin. alam niya sa TV5 si nora e bakit kinadkad pa niya sa gma7? tarantadang german moreno. salpakan pwet nyan ng ulo ni marian rivera!!!!

  6. mabait talaga yang si Nora. Walang kaere-ere. Yun lang ang problema kay Superstar s sobrang kabaitan lagi tuloy naloloko.

  7. Ok lang iyong ginawa ni Nora.  Isa pa, dahil sa tagal ni Nora na nawala, malamang, hindi niya alam iyang mga network-network war.  Dahil kaibigan niya yung tao, ok lang..however, hindi niya alam na may nabangga pala sa kanya kasi in her mind, she’s just doing it for her friend.  SA panahon kasi nila..walang network wars..the more network or channels you go too..the more exposure and publicity..walang hindrance at walang bawal-bawal at pag-aangkin.  Contract star ba si Nora ng tv5..or contact lang niya eh yung soap na gagawin niya..if ganoong nga ang case..wala pa rin problem.

  8. ikaw kaya ang mababaw pendot, pati pangalan mo pa lng kababawan na. delicadeza ang pinaguusapan which obviously ay wala ka, tulad nung tanong nagpasuot ng jacket at placard kay Ms. Aunor, taking advantage of her ignorance sa mga bagong kalakaran ng showbiz ngayon.

  9. this is another evidence of people taking advantage of Ms. Aunor’s kindness. mas lalong hindi dapat suportahan ang pelikula ng mga starlets sa Tween Academy dahil ung mga taong nasa likod nito ay walang mga delicadeza. Pati si Kuya Germs, pinapayagan magamit ang kaibigan nya ng walang kamalay2 tapos ang mapupulaan si Nora ulit.

Leave a Reply

Your email address will not be published.