TV host, wala sa Europe by Julie Bonifacio

TINANGGAP NA NG buong Aquino family ang apology ng noontime host na si Willie Revillame mula sa panganay na kapatid ni Kris Aquino na si Ballsy Cruz hanggang kay Senator Noynoy Aquino. Si Kris mismo ang nagkwento ng buong pangyayari sa unang gabi ng pagbabalik niya sa programa nila ni Boy Abunda na Showbiz News Ngayon kung paano nag-sorry sa kanila si Willie and they all accepted it.

As far as the Aquino family is concerned, tapos na ang isyu ng ginawa ni Willie sa pagpapaalis niya ng footage sa wake ni ex-President Cory Aquino. And they all wanted to move on.

Friday night  huling napanood si Willie  na nagsalita sa TV Patrol. That time ay nasa Hong Kong na kami and we were just informed na nagsalita nga raw si Willie sa TV Patrol. We and the rest of the entertainment press na nasa Hong Kong  were all worried for him.

Habang nag-e-enjoy kami sa Hongkong na treat  ni Willie sa mga manunulat  ay naghihirap ang kalooban niya sa Manila. So, the group decided to text Willie  kung kumusta na siya.

“Okey lang ako dito. Huwag  ninyo ako’ng alalahanin. Mag-enjoy lang kayo d’yan,” sagot ng TV host.

Matagal nang naipangako ni Willie sa mga manunulat ang trip to Hong Kong at dapat nu’ng July pa ang alis namin. Pero na-move ito ngayong Agosto dahil sa A-H1N1 epidemic sa Hong Kong.  Kaya hindi totoo ang  isyung binabato kay Willie na kaya niya kami pinadala sa Hongkong ay para magkaroon ng news blackout sa nangyaring insidente recently sa Wowowee.

A day before we left ay nakausap namin  si Willie sa kanyang dressing room. Si Willie mismo ang nagkuwento kung saan nagsimula ang panibagong kontrobersya na binabato sa kanya.

“Hindi naman ako nakapag-offend noon, e. Alam ko titirahin na ako ng lahat. Hindi ko naman ipinagtatanggol ang sarili ko. Kasi ganito ang nangyari d’yan. Tumawag si Phoebe (Anievas, executive producer ng Wowowee), ‘Kuya baka mapre-empt tayo magi-give way tayo.’ Sabi ko, ‘That’s good. Sige, mag-give way tayo.’ Tapos biglang,  ‘Kuya, okey lang na mag-tape tayo for tomorrow which is Tuesday.’

“So, Monday ‘yung live, Tuesday and Wednesday ‘yung magiging taping namin. Pero kahapon (Wednesday) wala dahil pre-empted nga. Sabi ko, ’Good, para makapagbakasyon tayo.’ So, maya-maya nag-tape na ako ng ‘Giling-Giling.’  Tinape ko na lahat. So, from there na-stop lang kami sa ‘Willie of Fortune’ kasi magla-live na raw.

“So, nagulat naman ako, ‘Bakit magla-live na naman tayo?’ E, ‘yun daw ang order. Sige, nanonood ako rito. Napapalabas na kami. Tinape ko na ‘yung unang portion, e. Ang unang portion ‘Giling-Giling’ at saka ’Cash or Bukas.’ So, ‘yung  ’Willie of Fortune‘ wala pa. So, habang nanonood ako sa (dressing) room ko, naggigiling-giling kami lahat, insert ang kabaong ni Tita Cory. Diyos ko! Tinawag ko si Tita Linggit (Tan). ‘Ta Linggit, ano  ba naman ‘yan? Ang pangit.  Ang pangit sa atin niyan. Nagluluksa, nagdadalamhati ang kasambayanan and then makikita na nagsasaya tayo. Tinanggal naman.  So, wala.

“Okey na. bumalik naman ako live na ’Willie of Fortune.’  E, ‘di masaya. I think ‘yung pangalawang contestant.  Sumasayaw ‘yung babae, pinasok na naman. Doon ako nag-react. Imagine, sinabi ko na, e. From then, ang sinabi ko, nilabas ko na  naman. Sabi ko, ‘Wala ba kayong pakiramdam?’ So, sana prineempt na lang natin. Hindi na lang tayo inere.  ‘Yun ang totoong nangyari.  In fairness naman sa ano, fault naman nila. Inamin naman nila sa akin, may mali sa traffic daw ‘yun, e,” lahad ni Willie.

Sa ngayon ay naka-indefinite leave si Willie sa show. Kung kailan siya babalik hindi pa masabi as of now. Pero pinabulaanan ng mismo ng personal secretary ni Willie na si Tess Matchiong na hindi totoo ang tsismis na nagpunta sa Europe si Willie.

Julie Ka!
by Julie Bonifacio

loading...

5 thoughts on “TV host, wala sa Europe by Julie Bonifacio

  1. TRES KUHOLS NI WILLIE AT BOBOT NA SI MARIEL, POKWANG AT RR, NAGKAKALAT SA WOWOWEE. PALIBHASA MGA UHAW SA EXPOSURE.

  2. Ang Aking Tula
    by: Joey Tanda

    Ako po si joey ang taong inggitero
    Pinanganak sa sa tabi ng estero
    kaya buhay koy amoy basurero

    Kinilala nuong dekada sitenta
    sa telebisyon man o sa pelikula
    sa kabila man ng katanyagan
    ako man ay di nasisiyahan
    kayat babae dito lalaki duon aking pinapatulan

    Dumaan ang ilang dekada
    ngayon akoy matanda na
    inggit saking kapwa
    di pa rin nawawala

    Si Willie aking kina-iinggitan
    kailanman di ko kayang higitan
    sa dami ng tagahangan
    ako’y natutulala
    sa kanyang yaman at ari-arian
    ako’y napapahanga

    Aking paninira di pa rin umubra
    sa dami ng kanyang tagahanga
    Pulitiko man o ordinaryong tao
    sa kanya tumatakbo
    Sa darating na halalan
    endorso nya ang pagkakaguluhan

    • korek ka jan. at saka dapat read between the lines ka sa sinabi ni kris. oo, tinanggap na nila ang apology ni willy FOR WHAT IT IS, AN APOLOGY. pero hindi ibig sabihin nuon lusot na cya sa kaso. kaya nga diba pahabol ni kris, hindi cla mtrcb, kbp at abs-cbn. ibig sabihin nuon, alam ng aquino family may nalabag c willy kaya nga sabi niya hindi nila alam anong kahinatnan ng kaso. at isa pa, hindi lang sa aquino family answerable c willie kundi sa buong bansa dahil presidente c tita cory. kaya nga galit ang buong bayan hindi ba? pwede natin tanggapin ang sorry pero hindi pwedeng hindi cya managot. hindi lang ito once nangyari ang kababoyan niya. di nga ba’t andaming beses na niyang nasuspinde? itong last incident ang pinaka maling nagawa niya. kaya hindi na pwedeng palampasin to. at sana sa writer na ito, hindi mo na lng namention nalibre kayo ni willie. ayan,obvious tuloy kung bakit ka kampi kay willie. writer na bayaran. mas lalo kang walang moral values. pwe.

Leave a Reply

Your email address will not be published.