TV host / VJ, P7-M plus kada taon ang pinakawalang offer mula sa malaking network!

MATIGAS ANG PAGTANGGI ng manager ni Jennylyn Mercado na buntis ang Kapuso actress. Napapabalita kasing nagdadalang-tao muli si Jennylyn matapos na maospital kamakailan.

Sunud-sunod kasi ang pagkakasakit nito. Ang findings, over fatigue daw ang dalaga at may problema sa puso.

Nakausap namin ang isang malapit na kaibigan ng manager ng aktres at sinabi nitong hindi totoo ang kumakalat na balitang buntis ang aktres.

Siyempre, may boyfriend ngayon si Jen, si Dennis Trillo, kaya naman madali naming ikabit ang tsikang pregnant nga siya. Kung wala siguro siyang boyfriend, hindi naman matsitsismis na nasa interesting stage ang aktres.

Magiging malaking issue kung buntis nga si Jen. Bale kasi magiging pangalawa na niya itong pagbubuntis nang hindi kasal.

Magbilang na lang tayo ng siyam na buwan kung totoo ngang preggy ang dalaga. Madali namang malaman kung trulili ang tsika o hindi. At saka hindi naman always credible ang pagde-deny ng manager. May isa ngang manager noon todo-deny na preggy ang kanyang alaga pero sa huli ay kinain din niya ang kanyang salita. Napatunayan kasi na totoong buntis nga ang kanyang alaga.

Sometimes, the manager is the last one to know sa estado ng kanilang alaga. Me gano’n talaga. Sa showbiz pa!

SO, MALI PALA ang leak noon na si Moi Marcampo ang nagwagi sa magtatapos pa lamang na Survivor Philippines Celebrity Showdown.

Noong una pa lamang na ipalabas ang bagong Survivor series ay malakas na ang usap-usapan na ang personal assistant ni Piolo Pascual ang nagwagi sa nasabing reality-based TV show na kinunan pa sa Thailand.

Now na natsugi na ang beauty ng Yayang Palaban, ano kaya ang masasabi ng nagpakalat ng tsikang ito ang nagwagi?

Apat na ang natirang contestants, sina Aubrey Miles, Akihiro Sato, Ervic Vijandre at Solenn Heusaff. Sino kaya sa kanila ang tatanghaling Ultimate Sole Survivor?

MALAKI-LAKI RIN PALA ang pinakawalang kontrata ng isang TV host/ VJ nang magpasiya itong isnabin ang offer ng isang malaking network.

Hindi natuloy ang paglipat sana ng TV host dahil pumirma siya ng contract sa kanyang dating home studio. Talagang pinili niya ang kanyang dating network.

Actually, more than 7 million pesos daw ang yearly talent fee na tatanggapin ng TV host kung pumirma siya ng kontrata sa bagong network.

Kung good for three years ang contract at guaranteed, may more than P21 million sana ang dalaga sa loob ng tatlong taon. Bukod dito, may chance pa siyang makasama ang kanyang boyfriend.

Siya, wala nang clue. Kabibigay ko lang ‘no!

Lex Chika
by Alex Valentine Brosas

loading...

11 thoughts on “TV host / VJ, P7-M plus kada taon ang pinakawalang offer mula sa malaking network!

  1. I like Iya V, she is very pretty and classy, I also like Jen M. kasi maganda rin siya at sexy hot mamma at parang mabait tingnan. Naala ko yong write up noong bago pa sila Jen M. at Mark H. at nag out of town daw sila, may accident daw na nangyayari not concerning them but concerning other people while they were eating in a restaurant daw? Nakita daw ito ni Jen, lumabas daw itong si Jen para tulungan ang naaksidente at ito pa raw si Jen ang iyak na iyak sa kaalala sa naaksidente. Mabait.

  2. pag may artistang nagkasakit, may I speculate agad kayong mga reporters na buntis..wala ba silang karapatan magkasakit lalo na if busyng-busy sila sa work nila..of course, tao lang sila na tulad natin no..

    if nabuntis man si jen nun, at least d nya pinalaglag kahit alam nya na makaka-apekto sa career nya..unlike other artists..dun pa lang hahangaan mo na si jennylyn aside from the painful experienced nya during her childhood

    she is a truly survivor..:)

  3. sabi dati n iya, by just staying on ASAP as a mainstay makes her proud, NAMAN!! iya is one of the most talented artist abs has so abs alagaan cya ng mabuti she just gave u her service and second chance. go VJ IT girl IYA!!!!!!

  4. naku nman kahit sinong artista man kung abs at gma lang din.. ehh sa abs na!!! suskow… the best decision ang ginawa ni iya!!! it’s not about money kung after nman non eh malalaos ka din lang sa paglipat mo!!!

  5. si iya ung BI.. baka naman kasi mas malaki ang counter-offer ng home network niya.. :) at syempre, hindi naman pera-pera lahat ng bagay.. dapat irespeto din natin kung saan masaya ung tao.. kita naman ang bonding nila sa asap xv… patunay lang na hindi siya mukampera..

    • agree ako sa ‘yo!

      at press release lang ‘yan ng Gmeeewwww na 7M/year guaranteed contract para masabi na si IYA ang may kailangan sa Gmeeeeewwwww at hindi ang Gmeeewwwww ang may kailangan sa kanya.

      style nila BULOK!

Leave a Reply

Your email address will not be published.