TV Host, May Ilusyong Makagawa Ng TV Commercial

ALIW AKO SA ikinuwento sa akin ng isang kaibigan. Tungkol sa isang TV host na gustung-gusto rin palang maranasan na magkaroon ng ad o commercial sa panahong ito. Comedy na nga lang ang naging dating sa akin ng kuwento.

Kasi nga, ang gusto pa raw ng nasabing TV host na i-endorse niya, ‘yung kamay niya ang makikita. In short, ang gamit, sa kamay o braso isusuot. Sabi ng nagkuwento, choosy pa raw ang nasabing TV host. At ikinumpara ang sarili sa isang modelo ng isang brand na isa ring stylist.

Actually, ang ikinatatawa ng nagkuwento sa akin, eh hindi ‘yung tungkol sa kagustuhang magkaroon ng commercial o maski na print ad ng nasabing TV host kundi ‘yung pagkukumpara raw at pagle-level nito sa kanyang peg na nag-iendorso na nga ng produktong gusto rin niyang i-promote.

Sabi ng kausap ko, “I-level ba ang sarili niya kay…?”

Ang alam ko lang na nag-iendorso ng isang brand ng relo, ang Technomarine, si Willie Revillame. At hindi si Willie ang naging peg ng nasabing TV host, ha? Babae na naging kontrobersyal na rin.

(By Pilar Mateo)

loading...

One thought on “TV Host, May Ilusyong Makagawa Ng TV Commercial

Leave a Reply

Your email address will not be published.