TV Host, Mabaho ang Hininga Dahil sa Diyeta!

SIPAT: PINAGBAWALAN na si GRETCHEN BARRETTO na MAGSALITA ng LABAN kay ANGELICA PANGANIBAN.
EKLAT: ‘WAG na kasing PATULAN ang BATA!

SIPAT: PINATULAN din naman kasi ni ANGELICA itong si GRETA.
EKLAT: WALANG RESPETO sa NAKATATANDA!

SIPAT: Kung GUSTO mo palang ma-BAD TRIP si CLAUDINE BARRETTO, BANGGITIN mo lang ang PANGALAN ni GRETCHEN.
EKLAT: MAGKAPATID… MAGKAAWAY – ang TELESERYE ng TOTOONG BUHAY.

SIPAT: BAKIT ba GALIT itong si CLAUDINE sa ATE niya?
EKLAT: SADSAD ang RATINGS ng SHOW niya… ang BONGGA pa ng MAGKARIBAL ni GRETA!

SIPAT: GRABE ang pagka-OVER-PROTECTIVE ni ROBIN PADILLA kay QUEENIE.
EKLAT: FATHER ‘KNOWS’ BEST!

SIPAT: WARNING nga ni BINOE, HINDI ‘TUBIG’ ang IBUBUHOS niya sa MANLOLOKO sa ANAK niya.
EKLAT: Hmmm… baka ASUPRE!

SIPAT: ‘KAKABILIB si JOVIT BALDIVINO. GANDA talaga ng BOSES.
EKLAT: MAKAKAIN nga ng MARAMING SIOMAI!

SIPAT: Parang ‘NORA AUNOR’ daw ang KAPALARAN ni JOVIT.
EKLAT: ‘Yun bang TALENTADO lang talaga…

SIPAT: Kung AALUKIN daw ng POSISYON sa GOBYERNO sina JIM PAREDES at LEA NAVARRO ni NOYNOY AQUINO, e TATANGGAPIN nila.
EKLAT: Ayos, KUMPLETO na! May TV HOST at may HUNK ACTOR na, may SINGERS pa si KUYA NOY!

SIPAT: ‘Yun naman ay kung AALUKIN sina LEA at JIM.
EKLAT: Kaya KAHIT WALA pa, BINABANGGIT na nila!

SIPAT: HINDI naman APEKTADO si DJ MO TWISTER sa DEMANDA ng GMA TV NETWORK.
EKLAT: Sa LAKI ng TALENT FEE niya sa SINGKO, kaya niyang MAGBAYAD ng ABOGADO DE KAMPANILYA.

SIPAT: NANGHIHINAYANG kaya ang SIYETE at PINAKAWALAN nila si DJ MO?
EKLAT: OO naman! BAKIT sila MAGDEDEMANDA kung HINDI?

SIPAT: TIGILAN na raw sana ni TV HOST ang PAGDIDIYETA, sey ng kanyang STAFF. CONCERN ba sila sa HEALTH ni TV HOST?
EKLAT: ‘HINDI,’ sagot ng kanyang STAFF. ‘BAD BREATH na kasi si KUYA, e!’

Sipat Eklat
by Papa Azzi
Pinoy Parazzi News Service

loading...

6 thoughts on “TV Host, Mabaho ang Hininga Dahil sa Diyeta!

  1. naku! karma yan kay claudine!!
    i still hate her kahit na ilang taon ng pumanaw si rico yan..
    i know time like this will come..
    karma!!
    mabuti nga sa u!

Leave a Reply

Your email address will not be published.