Blind Item: TV-host actress, nilayasan ang dyowang tibo

PARA SA TV host-actress na ito, laking ginhawa ang pakikipagkalas niya sa kanyang karelasyon of seven years. Pero base sa record, lagi namang on-and-off ang kanilang romansa oftentimes married by her short-lived side affairs na may basbas ng kanyang syota.

So, for good na nga ba ang kanilang paghihiwalay? “’Day, nagsasalita na ako ng tapos. Never na akong makikipagbalikan sa dyowa ko. Eh, kung tutuusin nga, ilang beses ko nang hiniwalayan ‘yon, pero this time, nakapagdesisyon na ako,” sey ng aktres na wala pang isang linggong ninanamnam ang kanyang single status muli.

Paano siyang tinantanan ng kanyang dyowa? Basta na lang ba nitong isusuko ang kanilang pitong taong pagsasama?

“Sinabi ko sa kanya na hindi niya alam, may iba rin akong karelasyon na sabay sila. Kung siya, seven years, ‘yong isa, six years. Eh, di iyak nang iyak ang fotah! Isa-isa ko na ring ipinahakot sa kanya ‘yong mga gamit niya sa bahay ko,” kuwento pa ng aktres.

At natiis ng aktres ang tila kawalan-ng-pusong ginawa niya sa dyowa niya?

‘’Day, wala pa nga ‘yon kung tutuusin, no! alam mo ba na sa pakikipag-split ko lagi sa kanya noon, eh, itataon ko na magbe-birthday siya para mas masakit. Ngayon, magpa-Pasko na, puwes, lalo siyang malulungkot dahil I’m already out of her life!” tsika pa nito.

Teka, bakit “her”, ano po ba’ng kasarian ng pinag-uusapan naming dyowang hiniwalayan ng aktres?

‘Yun na!

by Ronnie Carasco

loading...

8 thoughts on “Blind Item: TV-host actress, nilayasan ang dyowang tibo

Leave a Reply

Your email address will not be published.