TV host/ actress, dalagita na ang itinatagong anak!

SINO KAYA ITONG TV host/actress na dalagita na ang kanyang anak, pero hanggang ngayon ay itinatago pa rin sa publiko.
Maganda at matalino ang nasabing bagets at kamukhang-kamukha ito ng aktres na nagsimula bilang ramp model pero ngayon ay kilala na bilang host sa mga talk show.
Noon pa napapabalita ang tungkol sa pagiging dalagang ina ng magandang host, pero iwas itong pag-usapan ang nasabing anak.
“Nakakaawa ang bata, kasi alam naman niya ang totoo kaya lang ay hindi niya magawang ipagmalaki ang mommy niya, dahil siya mismo ay inililihim sa publiko,” sabi ng aming source.
Ang dalagitang anak ni TV host ay nag-aaral sa isang exclusive school sa Parañaque. Tsuk!

(By Morly Alinio)

Previous articleArte
Next articleStef Prescott: Mag-Survive Kaya sa Showbiz?

No posts to display