Tutukan ang ‘recession’ – P-Noy

PINATUTUKAN NI PANGULONG Benigno Aquino III ang kaganapan sa pandaigdigang ekonomiya kasunod ng ‘panic’ ng mga global markets na nagdulot ng pagsadsad ng maraming stock market kasama na ang Pilipinas.

Ito ang direktiba ng pa-ngulo upang makapaghanda ang bansa kung ano ang dapat gawin sa epekto ng umano’y nahaharap sa seryosong problema ang pagrekober ng ekonomiya ng Amerika, ayon kay Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte.

Ang naturang pangyayari ay nakita umano sa nakalipas na dalawang linggo, kung saan nagkaroon umano ng slowdown ang pag-usad ng ekonomiya ng ibang mga bansa, ani Valte.

“We observed in the past few weeks that there was a slowdown in other countries. (The President) said they (economic team) should watch closely and prepare to avoid being hit by the slowdown,” dagdag pa ni Valte.

Kahapon, nagtala ang stock market ng Pilipinas ng “worst” sa nakalipas na tatlong taon. Ang Philippine Stock Exchange index (PSEi) ay nalugi ng umaabot sa 5.1 percent o 210.14 points o katumbas ng 3,885.96.

Samantala, tiniyak naman ng Malacañang na kabilang sa kongkretong hakbangin na maaaring gawin ng pamahalaan ay bumuo pa ng maraming trabaho para sa mga Pilipino.

Nandiyan pa rin aniya ang conditional cash transfer (CCT) na nasa ilalim ng DPWH at DSWD na nag-tie up para mabigyan ng trabaho ang mga mahihirap na benepisyaryo. (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.