Tutor, ni-rape na, pinaslang at pinagnakawan pa

 

PINANINIWALAANG NI-RAPE muna bago brutal na pinatay at pagkatapos ay pinagnakawan pa ang isang private teacher ng isang hindi nakikilalang suspek sa loob ng bahay ng biktima sa Valenzuela City, inulat ng pulisya kahapon ng umaga.

Ang biktima na nakitang isa nang malamig ng bangkay sa loob mismo ng kanyang bahay ay nakilalang si Marissa De Guia, 42 anyos, guro at naninirahan sa Angeles Subd., Brgy. Paso De Blas ng nabanggit na lungsod.

Isang manhunt operation naman ang kasalukuyang isinasagawa ng mga operatiba ng Valenzuela City police laban sa hindi nakikilalang suspek na mabilis na tumakas matapos isagawa ang brutal na krimen.

Base sa isinagawang imbes-tigasyon ng Valenzuela Police Station, bandang alas alas-4 ng umaga nang madiskubre ang bangkay ng biktima sa loob ng bahay nito sa nasabing lugar.

Lumalabas sa imbestigasyon, pinagsamantalahan muna ng suspek ang biktima at nang manlaban ang una ay pinag-uundayan ito ng 36 na saksak sa iba’t ibang parte ng katawan.

Bago tuluyang tumakas ang hindi nakikilalang salarin, pinagkukuha nito ang mga mamahaling alahas, laptop at hindi nabatid na halaga ng pera ng biktima.

Bago madiskubre ang krimen, nakaamoy ang mga kapitbahay ng biktima ng masamang amoy na nagmumula sa loob ng bahay ng namatay.

Kaagad namang ipinaalam ng mga kapit-bahay sa pulisya ang tungkol sa masamang amoy na kanilang nalalanghap kung saan ay agad namang rumesponde ang awtoridad na nagresulta sa pagkakakita sa nasabing bangkay.

Nang magsagawa ng im-bestigasyon ang Scene of the Crime Operatives (SOCO) ay kanilang napag-alaman na ang biktima ay pinagsamantalahan bago pinatay at pagkatapos ay pinagnakawan pa.

May teorya ang pulisya, na kilala ng biktima ang hindi nakikilalang suspek dahil walang naganap na forcible entry sa bahay ng biktima.

(ROMAN MAGPOC)

Atorni First
By Atty. Persida Acosta

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.