Tutol ang 3 anak na babae
Sunshine Cruz, pinagbawalang makipagrelasyon!

VERY PROUD ang tatlong anak na babae ni Sunshine Cruz sa mga sexy pose ng kanilang ina sa isang men’s magazine.

Bago pala nag-pose si Shine sa naturang men’s magazine, nagtanong ang tatlong anak niya kung ano ang isusuot sa pictorial. Akala kasi ng tatlong kids ay maghuhubad ang kani-lang ina sa pictorial.

Pero nang makita ng tatlo ang pictorial ng inang si Sunshine, nasiyahan ang mga ito at super proud sa ina na seksi pa rin hanggang ngayon.

Ayaw lang ng mga anak ni Shine kay Cesar Montano ay maghubad muli sa pelikula ang kanilang ina. Kaya naman tinanggihan ni Shine ang isang indie film dahil may nudity siyang eksena sa naturang film.

“Hindi ko na kaya ang maghubad sa pelikula ngayon. May tatlong anak na babae ako. Gusto kong gumawa ng pelikula pero may limitasyon na,” say ni Shine.

Pero ngayong hiwalay na sila ni Cesar, puwede na siyang tumanggap ng teleserye na wala nang cut-off time na request.

Noon kasi ay maraming serye ang dumara-ting kay Sunshine, pero ‘di natutuloy dahil may request siyang cut-off time sa pagte-taping.

Super happy siya sa bagong seryeng Dugong Buhay ng ABS-CBN dahil nanumbalik ang dati niyang kasiyahan na umarte muli sa harap ng camera.

Ask kung possible ba siyang magka-boyfriend in the future?

“Honestly, I don’t see myself having a boyfriend so early. Sabi nga ng mga anak ko, ‘Mom, if  you’re  going to have a boyfriend, just make sure we’re 18 years old’,” natatawang say ni Shine.

 

NAKATUTUWA NAMANG may nagtatag ng foundation para makatulong sa streetsfolks na layunin ng Day by Day Care and Youth Foundation na itinatag nina Jojo Toledo, Robert Pangilinan, Cesar Macariola at Pastor Roland Pawig at mabigyan ng tamang kalusugan at kaalaman ang mga batang kalye at mahikayat na rin ang mga magulang na magkaroon ng pagkakakitaan.

Nagsimula ang pagtulong ng foundation sa streetfolks sa Mandaluyong sa kanilang Lugaw Patrol, kung saan mahigit 50 kabataan na ang kanilang tinutulungan para maiahon at makapag-aral.

Isa sa mga nakasuporta sa foundation ay si Lana Roi, ang official candidate ng Bb. Pilipinas na tsinugi dahil sa pag-pose sa FHM magazine.

Sabi ng 25-year old half-Pinay/half-German, nasaktan siya sa pagkakatanggal sa nasabing beauty contest, pero wala siyang magawa dahil bawal daw ang maging candidate ang nag-pose sa isang men’s magazine.

Anyway, kahit na natanggal ay hindi pa rin nawala ang paghahangad ni Ms. Lana na maka-tulong sa mga kabataan kaya all-out support siya sa Day by Day Care and Youth Foundation.

Nakasuporta rin ang mga sikat na actor at singer sa foundation, tulad nina Gary Valenciano, Jericho Rosales, atbp. Katunayan, may concert sila sa May na dadaluhan ng mga sikat na celebrities sa pangunguna nga ni Gary V.

Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo

loading...

One thought on “Tutol ang 3 anak na babae
Sunshine Cruz, pinagbawalang makipagrelasyon!

  1. SA TOTOO LANG SEXY PA RIN TALAGA SI SUNSHINE NOH! MAS SEXY AT MAS MAGANDA PA NGA SIYA KAYSA KRISTA CHURVA NA YAN

Leave a Reply

Your email address will not be published.