Tusong Manyakis, Kalaboso

KULUNGAN ANG kinabagsakan ng isang lalaki nang maisahan nito ang dalagitang hindi binayaran matapos ma-kipag-sex hanggang sa i-set-up ng huli ang una sa Caloocan City kamakalawa ng gabi.

Nahaharap sa kasong Acts of Lasciviousness in Relation to Child Abuse si Dexter Mosquida, 32, ng Commonwealth, Quezon City.

Sa pahayag ng biktimang edad 15, noong nakalipas na Linggo ay pumayag siyang makipag-sex sa suspek kapalit ng P1,000 subalit hindi tumupad sa usapan si Mosquida.

Itinext ng biktima ang suspek at napagkasunduang magkikita sa Monumento kamakalawa ng gabi, dakong alas-10:00.

Isinakay ng suspek ang biktima sa dalang Honda CRV at ipinarada sa EDSA kanto ng B. Serrano ng lungsod at doon pinaghihipuan sa kaselanan ang dalagita.

Nang makakita ng mga nagrorondang mga pulis ang biktima ay mabilis na nagbukas ng pintuan sabay hingi ng tulong.

Agad na dinala sa presinto ang suspek at sinampahan ng mga nasabing kaso.

(MARY H. SAPICO)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.