Turistang Matigas ang Ulo, Muntik Malunod sa Bora

LIGTAS SA pagkalunod ang isang lokal na turista matapos na magpumilit na maligo sa kasagsagan ng malakas na alon na dulot ng hanging habagat sa isla ng Boracay.

Kinilala ang nasabing biktima na si Margarita Lerien, 53-ayos at residente ng Ilocos Sur at pansamantalang nanunuluyan sa Villa Sentro Resort sa Station 2, Brgy. Balabag sa nabanggit na isla.

Sinabi ni PO1 Bobby Elvano ng Philippine Coast Guard-Boracay na nagpumilit umanong maligo ang biktima kahit na may ipinalabas ng warning ang PCG na bawal maligo dahil sa habagat.

Sinasabing tinangay ng malalakas na alon ang turista na tinatayang may taas na umaabot sa tatlong metro.

Nataranta umano ang biktima dahil hindi pala ito ma-runong lumangoy. Mabuti na lamang at agad na napansin at nailigtas ng isang scuba diving instructor na kinilalang si Mike Martillano.

Natuklasan namang ina-take ng hypertension ang biktima dahil sa nasabing pangyayari.

Sa ngayon, nasa mabuti nang kalagayan ang biktima matapos na isugod sa Boracay District Hospital. (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.