Turismo, ‘Di Maaapektuhan ng Tensyon sa Sabah – Palasyo

KUMPIYANSA ANG Palasyo na hindi maapektuhan ng tensyon sa Sabah, Malaysia ang turismo ng Pilipinas.

Sinabi ni Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte na ito’y dahil puspusan pa rin ang programa ng Department of Tourism (DOT) para maka-engganyo ng maraming turista sa bansa.

Bukod pa aniya rito ang pagkakapasa ng Pilipinas sa Aviation Security Audit ng International Civil Aviation Organization.

Gumagawa ng paraan ang pamahalaan para matiyak ang kaligtasan ng mga dayuhang turista rito sa bansa, dagdag pa ni Valte.

Samantala, bubuhos pa rin ang mga turista sa kabila ng mga travel advisory na ipinabalas laban sa Pilipinas banta ng seguridad kasunod ng tensyon.

Sa ngayon, ilan sa mga bansang nagpalabas ng babala laban sa Pilipinas ay ang China, Britain, US at iba pa.

 (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.