Tupadahan sa Calatagan

0918571xxxx – Mr. Tulfo, ipapaalam ko lang po sa inyo ang iligal na ginagawa ng aming Chief of Police dito sa lugar ng Barangay Lipatan, Calatagan, Batangas. Mayroon po itong patupada ng sabong tuwing Lunes hanggang Biyernes. Matagal na po namin itong isinusuplong sa mga may kapangyarihan pero nananatiling bingi at bulag ang mga ito. Kayo na lamang po ang inaasahan namin na makakatulong at makakapagbigay-aksyon sa aming problema. More power po sa inyong show. Mabuhay po kayo.

 

0929604xxxx – Mr. Action Man, maaari po ba ninyong aksyunan ang aming problema rito sa Ilocos Sur. Mayroon pong abusadong pulis dito na tuwing nalalasing ay nanunutok ng baril. Mayroon pa nga pong insidente na isang dayong binata ang kanyang napagtripan at pinagsayaw niya ito habang pinapaputukan ng baril. Napakarami na pong pang-aabuso ang ginagawa ng pulis na ito. Wala pong magkalakas ng loob na isuplong ang taong ito dahil natatakot. Magaling pong mambaligtad ng sitwasyon ang pulis na ito. Sana po ay matapos na ang kasamaan at pagmamalabis niya sa kanyang kapwa. Sir, tulungan po ninyo kami. More power po sa inyong show.

 

0916323xxxx – Sir idol, trucking po kami from Cagayan Valley, gusto ko pong isumbong sa inyo ang ginagawang pa-ngongotong sa amin ng PNP mobil. Bago at paglampas po ng fly-over sa Bocaue, mayroon pong nakaabang na mobil patrol at hihingan nila ng P20 bawat truck na dadaan. Walang awa sa kapwa kung mangotong ang mga pulis na ito. Sana po ay mabigyan ninyo ng pansin.

 

0921609xxxx – Sir Tulfo, gusto ko pong isumbong sa inyo ang maling ginagawa ng Xavier Medical Center sa Barangay San Antonio, San Pedro, Laguna. Ang mga pasyenteng hindi nakakabayad sa kanilang bill ay dine-detain nila sa 4th floor ng kanilang gusali. Minsan po akong dumalaw sa nasabing lugar, makikita po ninyo ang kaawa-awang lagay ng mga pasyente. Walang ilaw at parang mga preso ang sitwasyon ng mga tao rito. At natunghayan ko rin po nu’ng ako ay dumalaw na ang isang matandang muntik nang mamatay dahil sa walang hangin na pumapasok dito. Sana po ay makita ninyo at maipaalam sa tamang kawani ng gobyerno ang maling ginagawa ng ospital na ito. Maraming salamat po.

 

0926111xxxx – Sir Raffy, isusumbong ko lang po ang mga MMDA ng Edsa. Tuwing gabi hanggang madaling-araw, paborito nila ang mga truck parahin basta may karga ito at hahabulin agad pagkatapos ay hihingan ng kung anu-anong mga papeles. Bukod po sa abalang ginagawa nila, binabawasan pa nila ang kakarampot na kinikita namin. Sana po ay matulungan ninyo kami sa aming problema. Maraming salamat po.

 

0923429xxxx – Idol Raffy, isusumbong ko po sa inyo ang mga pulis-Valenzuela. Tuwing alas-singko po ng madaling-araw, sa harap ng Holy Trinity Church sa Barangay Linguran,Valenzuela City ay nangongotong ang mga pulis dito. Ito po ay may body number na 414. Tulungan po ninyo kami, idol, para masugpo na ang kanilang maling gawain.

 

Ang inyong lingkod ay mapapakinggan sa programang WANTED SA RADYO sa 92.3fm Radyo5, Lunes hanggang Biyernes 2-4pm. Ang programang ito ay naka-simulcast sa AKSYON TV Channel 41. Ito ay isang public service show na tumatanggap ng mga sumbong mula sa mga inaapi at inaabusong mamamayan. 

Sa tuwing 5:15-5:45pm, mapapanood din ang inyong lingkod sa programang T3 sa TV5 pa rin. 

Shooting Range
Raffy Tulfo

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.