Tupadahan, pinasabog; 3 patay, 33 grabe

 

UMAKYAT NA sa tatlo ang nasawi habang 33 pa ang nananatiling nasa ospital makaraang hagisan ng granada ang isang sabu-ngan sa bayan ng Aleosan, North Cotabato noong Sabado ng hapon.

Sa ulat na nakara-ting sa Camp Aguinaldo, alas-1:45 ng hapon nang maganap ang pagsabog sa Sitio Lapu-Lapu, Barangay Lawili, kung saan dead on the spot si Fermin Caluquim habang si Vicente Sabando ay nasawi nang maihatid sa ospital.

Makaraan naman ang ilang oras ay nasawi rin si Jose Mario dela Pena, 40 anyos at residente sa lugar.

Ayon kay Col. Leopoldo Galon, spokesman ng AFP Eastern Mindanao Command, inihagis ng hindi pa malamang grupo ang isang granada sa sabungan, may 21 kilometers ang layo sa Aleosan Police.

Bukod sa mga namatay, naka-confine ngayon sa Aleosan District Hospital at Amado Hospital sa bayan ng Amado ang mga sugatan kabilang sina  Elizardo Pastolero, 40 anyos; Felix Palag, 57; Benito Cabangisan, 59; Hermie Canamay, 21; Remie Sabando, 22; Dominggo Cabaluna, 46; Kagawad Quilos Manalin-ding, 57; Silvestre Bernado, 41; Jobert dela Peña 44; Primo Claro, 50; Tito Cagbay, 31; Modesto Barte, 36; Romeo Camancho, 38; Joey Camino, 27; Ronald Calaor, 30; Rodel Salares, 22; Antonio Aquita, 44; Loperto dela Peña, 19; William Estrellado, 53; Renante Magsipoc; Vicente Saga, 44; Joseph Anthony, 24; Rex Cabalfin, 31; Mamerto Cansancio, 36; George Casancio, 33; Victor Caballero, 26; Glen Tahad, 31; Jonas Salupiza, 36; Jimmy Osorio, 53; Bernard Caingcoy, 38; Inicito Quinones, 63; Hononcio Banisio, 50; at Lazaro Pastolero, 48.

Napag-alaman na i-pagdiriwang Bgy. Lawili ang kanilang Patronal Fiesta sa susunod na linggo nang maganap ang naturang insidente.

Sa ngayon, patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng PNP para matukoy ang grupong may kagagawan sa pagsabog.

Una rito ay nakatanggap na ng pagbabanta ang mga residente sa lugar mula sa mga armadong grupo.

(EUNICE CALMA)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.